Kaya Pala

302 2 4
                                    

Minsan kahit gaano pa ka-taas yung grades na makuha mo, bagsak ka pa din pagdating sa taong mahal mo.
Kahit magpuyat ka pa sa kaka-aral at kaka-review ng mga lessons niyo, pagdating sa kanya hindi ka pa din pasado.
Yung kahit kinumpleto mo na yung mga requirements, para sa kanya may kulang pa rin.
Yung kahit 95 na yung grades mo sa lahat ng asignatura, hindi ka pa din niya napapansin.

Kahit isinama mo na siya sa speech mo nung graduation, hindi pa din epektibo.
Yung kahit naging valedictorian ka na nga, wala pa rin siyang pakialam sayo.
Yung wala lang lahat ng iyon sa kanya kahit pa ngayon na Dean's Lister ka na.
Hanggang sa gumuho yung mundo mo dahil nalaman mong may mahal na pala siyang iba.

Kaya pala...

Kaya pala ni isang beses, hindi ka niya pinagtuunan ng pansin.
Kaya pala kahit tinititigan mo na siya, nasa malayo pa din ang kanyang tingin.
Kaya pala kahit may nakasabit ng medalya sa leeg mo, hindi ka pa din niya binati at pinalakpakan.
Kaya pala... Kasi ibang pangalan naman pala ang kanyang inaabangan.

Kaya pala kahit inaabangan mo siya tuwing uwian, tinatanggihan niya ang alok mong ihatid siya.
Dahil hindi naman pala talaga ikaw ang gusto niyang sumundo sa kanya.
Kaya pala kahit dinadalhan mo siya ng pagkain, palagi niya sinasabi na hindi pa kumakalam ang kanyang sikmura.
Kaya pala... Kasi palagi ka palang nauunahan ng taong minamahal niya.

Kaya pala palagi ka niyang tinatanggihan.
Kaya pala pinaparamdam niya na busted ka na kahit hindi mo pa siya nililigawan.
Kaya pala sa bawat araw na chinachat mo siya, ni isang beses hindi ka niya nagawang replyan.
Kaya naman pala... Dahil ibang tao pala ang kanyang pinagkakaabalahan.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon