Hindi Basehan Ang Kasarian

249 2 0
                                    

(Requested by:YourBaeAlways)

Hindi magandang tignan.
Iyan ang opinyon ng karamihan.
Lalo na kapag magkaiba ang kasarian.
Hindi daw possible na hanggang magkaibigan lang ang kahihinatnan.

Minsan may mga taong mahilig magbigay ng malisya.
Wala namang alam, ngunit parang sigurado na kung umasta.
Kibit-balikat, tinalikuran, sila'y binaliwala.
Ang mahalaga'y masaya ako dahil naging kaibigan kita.

Walang araw na hindi ako masaya habang magkasama tayong dalawa.
Araw-araw kang nandyan para magkuwento at magpatawa.
Ni minsan, hindi mo ipinaramdam na ako'y nag-iisa.
Dahil pati sa mga malulungkot na araw, karamay kita.

Moody, masayahin, at sobrang kulit mo.
Sana hindi ka magbago.
Huwag mo sanang isipin na may kulang sa sayo.
Dahil isa ka sa mga itinuturing kong kaibigang totoo.

Nariyan ka tuwing ako'y may problema.
Handang makinig kahit paulit-ulit na.
Hindi ka umaalis hangga't mayroon pang luha sa aking mga mata.
Ano man ang aking pagdaanan, nandyan ka.

Marahil, parte na iyan ng iyong pagkatao.
Ang pagiging mabuting kaibigan sa kahit na sino.
Hindi ka namimili ng mga kakaibiganin mo.
Basta may namomoblema, palagi kang sumasaklolo.

Lalaki ka at babae ako, magkaibang-magkaiba tayo.
At alam kong hindi lamang ako ang nag-iisang babae sa mga kaibigan mo.
Alam ko na pagdating sa kanila, malambing din ang iyong pakikitungo.
At hindi ko ipagkakait na nagseselos ako.

Ngunit, huwag kang mangamba.
Hindi naman kita ipagdadamot sa kanila.
Sadyang nakakaselos lang dahil minsan mas may oras ka pa sa iba.
Huwag ka din mag-alala,sapagkat ang pagtingin ko sayo'y hindi na mahihigitan pa.

Hindi sapat na basehan ang kasarian upang ako'y kanilang diktahan.
Sa totoo lang, masaya ako dahil kahit kailan hindi mo ko iniwan.
At lubos akong nagpapasalamat, dahil lagi kang nariyan.
Lubos kong ipinagmamalaki na ikaw ay isa sa aking mga kaibigan.

Sana mas tumagal pa ang ating samahan.
Sana din hindi tayo magkalimutan.
Hindi ito biro, seryoso lahat ng iyan.
Maraming salamat sa lahat, mahal kong kaibigan.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon