Malaya Ka Na

444 4 0
                                    

(Inspired by Moira dela Torre's song which is "Malaya". Hehe!)

Malaya ka na, mahal ko.
Malaya ka nang gawin lahat ng iyong gusto.
Asahan mong wala nang manggugulo sayo.
Wala nang sasalungat sa bawat desisyon mo.

Mahal, pinapalaya na kita.
Malaya ka nang humanap ng iba.
Hindi na kita pagbabawalan pa.
Dahil malaya ka na.

Bakit ko ito ginagawa?
Simple lang ang sagot sa tanong mo, sinta.
Ginagawa ko ito dahil alam kong nasasaktan ka na.
Ginagawa ko ito dahil sa piling ko'y hindi ka na masaya.

Sa halip na ngumiti, ika'y lumuluha.
Sa halip na ingatan ka, nasasaktan kita sa aking mga ginagawa.
Sa halip na kasiyahan, pagdurusa at kalungkutan ang iyong nadadama.
Kaya naisip ko na mas makabubuti para sayo kung papalayain nalang kita.

Tama mahal ko, malaya ka na.
Dahil ang isang tulad mo'y hindi nararapat sa tulad kong walanghiya.
Nararapat lamang na humanap ka ng taong iingatan at aalagaan ka.
Hindi ka na dapat manatili sa relasyon natin na puno ng pighati at problema.

Nakikita ko na ang pagod sa iyong mga mata.
Nararamdaman kong pagod na pagod ka na sa tuwing umiiyak ka.
Ginawa ko naman ang lahat ng aking makakaya para lang maging maayos ang ating samahan.
Pero hindi pa din kita napasaya, mas lalo lamang kitang nasaktan.

Para bang sinasabi ng tadhana na hindi ka nababagay sa aking mundo.
Hindi nababagay ang isang tulad mo sa isang tulad ko.
Mas nasasaktan lamang kita sa paglipas ng bawat segundo.
Mas lalo ka lamang mahihirapan at masasaktan kapag ipinagpatuloy pa natin ito.

Kaya mahal, pinapalaya na kita.
Masakit para sakin subalit hindi na iyon mahalaga.
Hangga't nakikita kitang masaya, kuntento na ko.
Kuntento na kong pagmasdan ka nalang mula sa malayo.

Mahal na mahal kita subalit hindi ko iyon naiparating sayo ng tama.
Mahal na mahal kita pero hindi man lang kita napasaya.
Minamahal kita ng buong puso ngunit hindi man lang kita naingatan.
Mahal na mahal kita kaya papalayain kita kahit nasasaktan ako ng lubusan.

Siguro nga, tama lang ito.
Tama lang na palayain kita upang di ka na masaktan pa sa piling ko.
Marami ka pang mahahanap na maibibigay yung uri ng pag-ibig at relasyon na nais mo.
Mga bagay na hindi ko naibigay sayo noong mayroon pang tayo.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon