Kailan Titila Ang Ulan?

619 0 0
                                    

Unti-unting dumidilim ang kapaligiran.
Natatakpan nanaman ng ulap ang bughaw na kalangitan.
Isang buntong-hininga ang aking pinakawalan.
Isang katanungan lamang ang nasa aking isipan.

"Kailan kaya titila ang ulan?"

Unti-unting lumalakas ang ihip ng hangin.
Isa-isang nagtatakbuhan ang mga tao papunta sa akin.
Ngunit ako'y kanilang nilagpasan at di pinansin.
Nanatili akong nakatayo sa gitna ng daan at sa langit lamang nakatuon ang aking paningin.

Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaang pakinggan ang pagpatak ng ulan.
Hawak ang aking payong, iminulat ko ang aking mga mata at patuloy ko iyon pinagmasdan.
Lahat ng taong tumatawid ay napapatingin sa akin.
Nanatili akong nakatayo at di sila binigyang-pansin.

"Inay... Kailan kaya titila ang ulan?"

Ang pumukaw sa aking atensyon ay isang katanungan.
Katanungan na nagmula sa bata na ilang metro lang ang layo mula sa aking kinatatayuan.
Ako'y napangiti ng di ko namamalayan.
At doon rumagasa ang mga alaala ng ating nakaraan.

"Kailan kaya titila ang ulan?"

Nung araw na yun, ako'y naghihintay din na tumila ang ulan.
Kanina pa ko naghihintay, nang marinig ko ang iyong katanungan.
Isang katanungang naghahanap ng eksaktong sagot.
Ngunit nang makita ko ang iyong mukha'y nawala ang aking pagkabagot.

Pasensya na kung titig lamang ang naibigay ko sayo noon.
Nabighani kasi ako sa taglay mong kakisigan kaya parang gumanda na rin ang panahon.
Di ko na narinig ang malakas na pagbuhos ng ulan.
Dahil ang bukod tanging naririnig ko ay ang ating usapan at tawanan.

Magkasama nating ninanamnam ang nakaw na sandali.
Aliw na aliw ako habang pinagmamasdan ang ibinibigay mong mga ngiti.
Sa mga oras na iyon hiniling ko na sana wag muna tumila ang ulan.
Hiniling ko rin na sana wag mong mapansin na ika'y aking tinititigan.

"Titila pa ba ang ulan?"

Hindi. Hindi ko na dapat inaalala ang ating nakaraan.
Nakaraan na binabaon kong pilit dahil ako'y labis pa rin na nasasaktan.
Palakas ng palakas ang pagbuhos ng ulan mula sa kalangitan.
At habang tumatagal, unti-unti akong bumabalik sa araw na kung saan ako'y iyong pinagtaksilan.

Naaalala mo pa ba ang araw na iyon, mahal ko?
Umuulan ng malakas sa labas kaya binuksan ko agad ang pinto.
May dala pa kong regalo dahil nais kitang sorpresahin sa araw ng ating anibersaryo.
Ngunit di ko inaasahan na ako pala ang masosorpresa sa madadatnan ko.

Mahimbing ang iyong tulog at ika'y naka-kumot.
Okay na sana kaso nakakalat sa kwarto ang iyong mga saplot.
Ang bukod tanging suot mo lamang ay ang iyong ngiti na nagpatibok sa aking puso.
Ngiti na di ko inakalang magpapadama sakin ng sakit at panlulumo.

Hindi ko kilala kung sinu-sino ang mga nakayakap sayo.
Hindi ko mabilang ang mga damit na naka-kalat sa loob ng iyong kwarto.
Hindi ko alam kung may nakarinig ba sa inyo na ibang mga tao.
Hindi ko alam kung bakit nakita ko sa iyong ngiti ang pagka-kuntento.

"Kailan titila ang ulan..?"

Mahinang bulong ko sa aking sarili habang ika'y aking pinagmamasdan.
Hindi ko magawang sumigaw o umiyak dahil sa pagkabigla sa aking naabutan.
Hanggang sa hindi ko na kinaya kaya ako'y nagwala.
Pasensya na kung naistorbo kita dahil natamaan ka ng lapis sa hita.

Naaalala ko pa kung paano isa-isang nagsitakbuhan ang mga tao palabas ng kwarto.
Ang bukod tanging naiwan sa loob ay ikaw at ako.
Isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa atin.
Ngunit nabasag iyon nang bigla kang lumapit sa akin.

Paulit-ulit na "patawad" ang naririnig ko mula sayo.
"Patawad dahil nakainom lamang ako."
"Patawad mahal, hindi ko alam ang aking ginagawa."
"Patawad.. Patawad.. Patawad aking sinta."

Di ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa iyo.
Paano ka nalasing kung wala ka namang bisyo?
Napakaraming tanong ang nabubuo sa aking isipan.
Sa loob ng ilang minuto para bang hindi ko na kilala ang taong nakatayo sa aking harapan.

"Kailan titila ang ulan?"

Pinipilit kong burahin ka sa aking alaala.
Pinipilit kong kalimutan ang sakit na iyong ipinadama.
Doon ko naramdaman ang mahinang pagpatak ng ulan sa aking mukha.
Ngunit bigla kong naalala... May payong nga pala akong dala.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon