"Walang Malisya"

247 2 0
                                    

Alam mo sa sarili mo na madamot ako pagdating sayo.
Nasa iyo naman yung desisyon kung mananatili ka pa ba sa piling ko.
Ayokong may kahati sayo bukod sa pamilya mo.
At sana maintindihan mo kung bakit ako ganito.

Sa totoo lang, selos na selos na ako sa babaeng nakakasalimuha mo.
Kung ganito lang din naman, tapusin mo nalang ang buhay ko.
Oo walang malisya, pero mahirap pigilan ang puso.
Mahirap iwasan ang selos lalo na't mukhang nagkakamabutihan na kayo.

Oo alam kong palakaibigan ka.
Alam ko yan dahil dalawang taon na tayong magkasama.
Hindi ko alam kung bakit ayokong makita ka na may kasamang iba.
Para akong nadudurog sa tuwing nakikita ko kayong masaya.

Wala naman malisya pero bakit parang nasasaktan pa din ako?
Bakit ang sakit pa din kahit may tiwala naman ako sayo?
Alam kong walang malisya, paulit-ulit mo na iyan sinabi sa akin.
Nakatatak na sa utak ko iyan pero bakit ang hirap pa din?

Walang malisya, hindi ko alam kung bakit ayaw iyon tanggapin ng aking puso.
Nakatatak naman na yun sa isip ko pero bakit hirap pa din akong tandaan ito?
Walang malisya, magkaibigan lang naman kayo diba?
Diba hindi naman kayo lalagpas at mahuhulog sa isa't-isa?

Ang hirap dahil parang sinasaktan ko na ang sarili ko.
Walang malisya pero bakit parang mas close kayo?
Hindi ba dapat ako yung kinakausap mo nang ganun ka-tagal?
Ano na? Naglalaho na ba ang iyong pagmamahal?

Hindi pa tayo kasal kaya hindi kita pwedeng pagbawalan.
Mas lalong wala akong karapatan para ipagkait sayo ang kalayaan.
Kalayaan na makipagkaibigan at makipag-usap sa iba.
Ang tanging magagawa ko lamang ngayon ay ang magtiwala sayo, sinta.

Walang malisya, sige maniniwala ako sa sinabi mong iyan.
Magtitiwala ako at tatanggapin na para sayo isa lamang siyang kaibigan.
Magtitiwala ako at aasa na hindi mo ako iiwanan o ipagpapalit sa iba.
Sana nga wala talagang malisya at sana hindi mo mabasag ang ibinigay ko sayong tiwala.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon