Ready Na Ako

237 4 1
                                    

Nagambala ang aking mahimbing na pagtulog nang marinig ko ang sigaw ni inay.
Ang alarm ng aking cellphone ay walang buhay kong pinatay.
Nag-unat, humikab, at kaagad bumangon kahit pipikit-pikit pa.
Kailangan kong labanan ang antok upang maaga akong makarating sa eskuwela.

Ako'y napatalon nang marinig ko ang malakas na pag-kulog.
Nang dahil sa gulat, buong sistema ko'y naalog.
Nawala ang antok, nakaramdam ng pagtataka.
Hindi pa ba sinususpinde ng alkalde ang klase ng mga pang-umaga?

Kaagad akong napa-iling, pinatay ang nabubuong pag-asa.
Sapat na ang sigaw ni inay upang hindi ako umasa na suspendido na nga.
Habang nag-aagahan, nakinig ako sa mga balita.
Wala talagang inanunsyo kaya agad na kong naghanda.

Inilagay sa lababo ang pinagkainan bago pumasok sa banyo.
Malamig ang temperatura ng tubig kaya binilisan ko ang pagligo.
Kusot dito, sabon doon, pagkatapos ay nag-sipilyo.
Nagmumog, nagtapis, at agad na dumiretso sa aking kuwarto.

Ang basang buhok ay tinuyo, hinablot ang uniporme na nakasampay.
Pagkatapos magbihis, walang imik akong nag-suklay.
Naglagay ng pulbos, isinuot ang relo.
Naglagay muna ng pabango bago isinukbit ang bag sa likod ko.

Ibinulsa ang panyo, marahan na bumaba ng hagdan.
Kaagad akong natigilan nang binanggit ni inay ang aking pangalan.
Kasunod nito ang balita na hindi ko inaasahan.
"Anak, suspendido na ang klase sa lahat ng antas at paaralan."

Nanlambot ang aking katawan sa aking narinig.
Ni hindi ko maibuka ang aking bibig.
Pakiramdam ko pinagbagsakan ako ng langit at lupa.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa narinig kong balita.

Walang buhay akong bumalik sa aking silid.
Hinubad ang uniporme pagkatapos ilapag ang aking bag sa isang gilid.
Walang buhay na natawa sa aking sarili.
Ready na akong pumasok kanina subalit biglang ganito ang nangyari.

Gusto ko sanang matulog nalang ulit pero hindi ko na magawa.
Nasaan na ang antok na nararamdaman ko kanina?
Agad akong bumangon sa kama nang makaisip ng bagong piyesa.
Tama, nang dahil sa nangyari'y nakagawa ako ngayon ng bagong tula.

~~~~
P.S.
Kaway kaway sa mga pang-umaga dyan~! HAHAHAHAHA!

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now