Sa Kabila Ng Lahat

511 4 0
                                    

"Hindi kita iiwan mag-isa."
Yan ang pinangako mo sakin, sinta.
Ngunit sadyang mapaglaro talaga ang tadhana.
Dahil kung sino pa ang nangako, siya pa ang sumira.

Mahirap tanggapin na nagawa mo sakin ito.
Dahil hindi ganyan ang taong minahal ko.
Siguro nga'y mali ang pagkakakilala ko sayo.
Nahulog ako sayo nang hindi ka muna kinikilala nang husto.

Ano nga bang dahilan kung bakit kita minahal?
Dahil ba sa iyong ngiti na mas matamis pa sa asukal?
Dahil ba sa iyong pagkatao na kahanga-hanga?
Dahil ba sa ipinapakita mong motibo na ako sayo'y mahalaga?

Ang sabi ng matatanda, mata ang unang umiibig.
Ngunit hindi naman kita minahal dahil lang sa ikaw ay makisig.
Hindi naman kita minahal dahil sa maganda ang iyong itsura at postura.
Minahal kita dahil sa mga matatamis mong salita.

Mga salita na nagsasabi ng katagang,"Mahal Kita".
Mga galaw na nagpaparamdam kung gaano ako "ka-halaga".
Mga ngiting ipinapakita na ako "lang" ang nagmamay-ari ng iyong puso.
Tama, ito ang mga dahilan kung bakit nahulog ako sayo.

Ngunit ang isang kape ay pumapait ang lasa kapag peke ang asukal.
Tulad ng isang relasyon na bumabagsak kapag peke ang pagmamahal.
Hanggang ngayo'y hindi ako makapaniwala na nagawa mo iyon.
Kaya siguro takot na kong magmahal muli ngayon.

Ang katagang, "Mahal Kita" ay napalitan ng, "Niloloko Lang Kita".
Ang matamis mong ngiti, peke at pilit lang pala.
Ang iyong pagkatao, ay pilit lang at pakitang-tao.
Lahat ng iyan ay iyong nagawa, para lang makuha ang gusto mo.

Ano ang bagay na iyong inaasam?
Yun yung bagay na mga babae ang may alam.
Ibinigay  ko iyon sayo nang hindi nagdadalawang-isip, mahal ko.
Ibinigay ko iyon sayo sa pag-aakalang ikaw na ang makakatuluyan ko sa dulo.

Labis akong nagtaka nang bigla kang lumayo.
Bakit ka lumalayo? Hindi ba't ibinigay ko na ang iyong gusto?
Nagagawa mo nang mang-akit at mahulog sa iba.
Nagagawa mo nang gawin sa kanila ang mga bagay na sakin mo lang noon ginagawa.

Mahirap masaksihan kung paano mo iyon gawin sa iba.
Mahirap marinig kung paano mo sabihin sa kanya na,"Gusto Kita".
Bakit ganun lang kadali para sayo ang itapon ako?
Ganyan ka ba talaga kapag nakuha mo na ang gusto mo?

Subalit...

Sa kabila ng lahat, mahal pa rin kita.
Sa kabila ng lahat, mayroon ka pa ring halaga.
Sa kabila ng lahat, hinihiling ko pa rin na sana bumalik ka na.
Sa kabila ng lahat, nandito pa rin ako, handang patawarin at tanggapin ka.

Sa kabila ng lahat, nais kong ikaw pa rin ang makasama ko.
Nais kong ikaw ang makatuluyan ko sa dulo.
Sa kabila ng lahat, nais kong iparamdam sayo ang tamis ng pag-ibig.
Gusto kong maramdaman mo sa iyong puso ang tunay nitong pagpintig.

Isa kang magnanakaw ng mga perlas, mahal ko.
Kung kaya't nararapat ka lamang makulong... Dito sa aking puso.
Tama, sa kabila ng lahat, handa pa rin akong tanggapin ka.
Tatanggapin kita muli kahit alam kong iiwanan mo din akong mag-isa.

Oo tama! Sa kabila ng lahat, heto pa rin ako nagpapaka-tanga.
Kahit na alam ko sa sarili ko na ang sakit sakit na!
Sa kabila ng lahat, ikaw pa rin ang iniibig ko.
Sa kabila ng lahat ng ginawa mo, ikaw pa rin ang itinitibok ng aking puso.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now