Ipinapangako Ko Sayo

240 5 0
                                    

Requested by: RainbowKittyXD
(P.S. Sorry kung may mga detalye man na hindi tumugma sa inaasahan mong resulta. But I can assure you that I gave my 100% best in writing and finishing this poem. Thanks po ulit sa pagbabasa ng mga tula ko at sa patience, I highly appreciate it po.)

~~~~

"Ipinapangako Ko Sayo"
By: OtakuZone

Tahimik kong pinagmasdan ang mga bituin sa kalangitan.
Baka kasi mahanap ko dito ang sagot sa mga tanong sa aking isipan.
Mga tanong na mas nagpapabigat sa aking nararamdaman.
Mga tanong tulad ng, "Bakit nga ba kailangan mong lumisan?"

Pakiramdam ko daig ko pa ang napilayan.
Parang bahay na gumuho at nawasak ang pader na masasandalan.
Nawalan ako ng isang tao na buong puso kong pinapahalagahan.
Nawalan ako ng karamay sa hirap na aking pinagdadaanan.

Gusto kong kuwestiyunin ang naging desisyon ng tadhana.
Sa lahat ng pwedeng mawala sa buhay ko, bakit ikaw pa?
Bakit ikaw pa na higit sa sobra ang halaga?
Bakit hindi nalang ako ang binawian ng huling hininga?

Naramdaman ko ang pagtulo ng aking mga luha.
Kasabay nito ang panunumbalik ng ating mga alaala.
Mga panahon na kung saan palagi tayong masaya.
Mga panahon na kung saan nakakasama pa kita.

Bakit?

Bakit iniwan mo ko mag-isa?
Sabi mo hindi mo yun magagawa.
Pakiusap, imulat mo ang iyong mga mata.
Dahil hindi ko kayang tanggapin na wala ka na.

Hindi ko alam kung paano ko ito malalapagsan.
Hindi ko pa yata magagawang tanggapin ang iyong paglisan.
Hindi ko maiwasang dibdibin ang nadadama kong sakit at pangungulila.
Kaya pakiusap, buksan mo na ang iyong mga mata.

Ipinapangako ko sayo, hindi na ako magagalit sa tuwing inaasar mo ako.
Palagi na kita ibibili ng mga pagkain na gusto mo.
Lahat ng hihilingin mo ay ibibigay ko sayo.
Lahat ng iyan gagawin ko, bumalik ka lang ulit dito.

Imulat mo lang ang iyong mga mata, pangako iintindihin na kita.
Tumayo ka lang dyan, pangako hindi na kita aasarin pa.
Tawagin mo lang ako ulit, pangako hindi na kita aawayin o kai-inggitan.
Ngitian mo lang ulit ako, pangako palagi na kitang sasamahan.

Hindi ko inakalang mahirap palang mawalan.
Mawalan ng isang kapatid at kaibigan.
Hindi ko inaasahang iiwanan mo din pala ako.
Hindi ko inaasahang sayo ko pa mararanasan ang masaktan ng ganito.

Siguro nga, magiging maayos din ang lahat ng ito.
Matatanggap ko din na wala ka na sa tabi ko.
Ipinapangako ko sayo, hindi ko ibabaon sa limot ang ating mga alaala.
Mamahalin at alalahanin kita hanggang sa muli nating pagkikita.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon