Anim Na Salita, Isang Linya

559 2 0
                                    

Umasa ako at nagpakatanga para sayo.

Akala ko, pipiliin mo na ako.

Pero nabigo ako, natalo, at nasaktan.

Siya pa din ang iyong nilapitan.

Ipinaglaban kita, minahal kita, iningatan kita.

Lahat ginawa ko para manatili ka.

Hindi ko maintindihan, saan ako nagkulang?

Nasasaktan man, tinanggap ko na lang.

Tanggap kong hindi ka para sakin.

Sumuko ako subalit patuloy kitang iibigin.

Mamahalin nalang kita mula sa malayo.

Kahit basag na ang aking puso.

*****
P.S.
Ang hirap pala pag anim na salita lang dapat ang gagamitin sa bawat linya. Practice pa! HAHAHAHA!

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now