Kabanata

203 0 0
                                    

Basag na ang aking tiwala.
Nawawalan na ko ng gana.
Unti-unti na kong nagsasawa.
Kahit anong pilit, hindi ko na talaga kaya.

Kaya sige, umalis ka na.
Sumama ka na sa kanya.
Huwag kang mag-alala, hindi na ako aasa.
Sanay naman na akong iniiwan mag-isa.

Pinapalaya na kita.
Puputulin ko na ang kadena.
Hindi ka na mahihirapan pa.
Dahil hindi mo na kailangang mamili sa aming dalawa.

Alam ko naman na parte lamang ako ng iyong istorya.
Ako yung kabanatang nilalagpasan lang dahil hindi naman mahalaga.
Ako yung kabanatang binabasa lamang kapag wala ka nang magawa.
Ako yung kabanatang masusundan pa ng iba.

Sa iyong kuwento, isa lamang ako sa mga kabanata.
Kabanata na kapag tapos nang basahin, susundan na ng iba.
Huwag kang mangamba, hindi ko malilimutan ang ating istorya.
Dahil sa aking kuwento, ikaw, mahal ko, ang huling pahina.

Sayang, sana sa iyong kuwento ako nalang din yung huling kabanata.
Yung hindi na masusundan dahil masaya ka na.
Yung kahit ilang beses mo nang binabasa, hindi ka pa din nagsasawa.
Yung huling kabanata na naglalaman ng katagang, "At naging masaya sila sa piling ng isa't-isa".

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon