Sana Ako Nalang

876 3 1
                                    

Bago po basahin ang piyesang ito, I would advice na basahin niyo po muna yung part one at part two po nito a.k.a. "Nakita Kita" at "Pasensya Na". Para hindi po kayo maguluhan o malito sa sinasabi ng tauhan sa tulang ito. Salamat! ;)

~~~~~~~~~~~
"SANA AKO NALANG"
(Part 3 of 3)

Bakit ganito? Bakit parang ang gulo gulo?
Buong akala ko'y nakuha ko na rin sa wakas ang minimithi ko.
Ngunit bakit kahit ako ang katabi mo, "siya" pa rin ang laman ng iyong isipan?
Bakit hindi ko pa rin "siya" mapalitan?

Minsan naiiisip kong sumuko nalang at ika'y hayaan.
Sapagkat kahit ano'ng gawin ko, palagi akong nabibigo't nasasaktan.
Subalit kahit sobrang sakit na, hindi pa rin kita kayang bitawan.
Dahil ikaw ay aking minamahal nang lubus-lubusan.

Minamahal kita... Kahit alam kong wala akong pag-asa.
Minamahal kita... Kahit alam kong nagmumukha na kong tanga.
Minamahal kita... Kahit alam kong "siya" pa rin ang minamahal mo ng wagas.
Minamahal kita... Kahit alam ko sa sarili ko na ako'y isang hamak lang na panakip-butas.

Minamahal kita... Kahit hirap na hirap na ko.
Minamahal kita... Kahit alam kong gawa-gawa lamang ang relasyong ito.
Minamahal kita... Kahit ramdam kong wala akong halaga sa iyo.
Minamahal kita... Kahit kathang-isip lamang ang "papel" ko sa buhay mo.

Para akong hangin sa tuwing magkasama tayong dalawa.
Pilit kitang pinapatawa ngunit nanatiling naka-ukit ang lungkot sa iyong mukha.
Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang burahin "siya" sa iyong puso't alaala.
Ngunit sadyang mas nanaig ang pag-ibig na nararamdaman mo para sa kanya.

Kahit alam kong imposible, pinilit kong gayahin "siya".
Ginaya ko lahat ng mga palagi niyong ginagawa.
Inaral ko ang lahat ng kanyang mga talento.
Ginaya ko na rin pati ang mga binuo niyong mga pangako.

At para bang himala, unti-unti kang nagbago.
Nakikita ko na ang iyong matamis na ngiti sa labi mo.
May mga pagkakataong tumatawa ka na kapag nagbibiro ako.
Minsan naman ay palagi ka nang nakangiti sa tuwing magkasama tayo.

Subalit nakaramdam ako ng matinding kalungkutan.
Dahil alam ko na nagbago ka lamang dahil ginaya ko ang dati mong kasintahan.
Hindi ko alam kung bakit ngunit mas lalo akong nasaktan.
Kinakailangan ko pa bang gayahin "siya" upang ang iyong ngiti ay aking masilayan?

Masakit. Napaka-sakit, irog ko...
Pakiramdam ko parang binuhusan ng asido ang aking puso.
Para bang sinasaksak ito ng kutsilyo sa tuwing nakikita ko ang ngiti mo.
Sapagkat alam kong "SIYA" ang nakikita mo at hindi AKO.

AKO na nagmamahal SAYO...
AKO na hindi mo magawang papasukin sa iyong PUSO.
AKO na patuloy na nagmamahal at nagpapaka-tanga.
AKO na... NANDITO LANG SA TABI MO KAHIT ANG SAKIT SAKIT NA!

Sana ako nalang yung una mong nakilala.
Sana ako nalang yung minamahal mo nang sobra-sobra.
Sana ako nalang yung laman ng isipan mo sa tuwing ika'y nag-iisa.
Sana ako nalang yung hinahanap-hanap mo sa tuwing ika'y nangungulila.

Sana ako nalang... Yung pinapangarap mo.
Sana ako nalang... Yung itinuturing mong mundo.
Sana ako nalang... Yung dahilan ng pagtibok ng iyong puso.
Sana ako nalang... Yung Maria Clara mo, aking Crisostomo.

" Pwede bang... Ako na muna ang iyong yakapin?
Pwede bang ako na muna ang iyong isipin...?
Pwede bang ako na muna ang iyong halikan at awitan?
Kahit ngayong gabi lang mahal ko, sana ako'y iyong mapagbigyan."

Hiniling ko na sana pakinggan mo ang aking pakiusap.
Na sana pagbigyan mong nais ng isang tulad kong nangangarap.
Nangangarap na sana'y ako naman ang iyong ibigin.
Na sana... Ako naman ang ituring mong bituin.

Madilim na ang kalangitan ngunit, heto tayong dalawa sa gilid ng kalsada.
Walang imik na pinagmamasdan ang mga tala.
Subalit nabasag ang katahimikan nang bigla kang nagsalita...
" Sige aking kaibigan, pagbibigyan kita."

Sa sandaling lumabas iyon sa iyong mga labi, ako'y napangiti.
Hiniling ko na sana bumagal ang takbo ng oras ngayong gabi.
Nang kinulong mo ko sa iyong mga bisig, nakaramdam ako ng kilig.
At lalo akong nahulog sayo nang ako'y inawitan mo ng mga awit ng pag-ibig.

Tila isang napaka-gandang musika ang narinig ko mula sayo.
Musika na ubod ng ganda ngunit... Bakit umiiyak ako?
Hindi ba dapat kasiyahan ang aking nadadama?
Pero bakit hindi ko man lang magawang ngumiti, aking sinta?

Ah... Alam ko na... Sapagkat ang iyong inaawit ay ang awit niyong dalawa.
Awit na nagpapahiwatig kung gaano kalalim ang pagmamahal mo sa kanya.
Talaga bang wala na kong pag-asa para mahalin mo rin?
Hindi ba talaga pwede na ika'y maging akin?

Hinawakan mo ang aking kamay at sabay na naglakad.
Naglakad papunta sa... Posteng malapad.
Ngunit hindi ko inaasahan ang aking nadatnan.
Nandun siya nakatayo, nakangiti ngunit luhaan.

Nakaramdam ako ng sakit nang bigla mo kong binitawan.
Nakaramdam ako ng lungkot nang itinago mo sa kanya ang mukha mong luhaan.
Nakaramdam ako ng kirot sa bawat salitang sinasabi niya sayo.
Bakit ba ayaw mong sabihin sa kanya yung totoo?

"Nakita ko kung paano niyo ngitian ang isa't-isa... Puno ng pag-ibig, damang-dama yung saya."
Mali ka. Maling-mali ka, dahil hanggang ngayon ikaw pa rin ang kanyang Clara.
Kung alam mo lang sana na pagpapanggap lamang iyon.
Siguro'y nakayakap ka na sa kanya ngayon.

Napaka-swerte mo dahil ikaw pa rin ang laman ng kanyang puso.
Napaka-swerte mo dahil ikaw yung mahal ng taong mahal ko.
Napaka-swerte mo dahil ikaw yung patuloy niyang pinipili.
Napaka-swerte mo dahil hindi ikaw ang pinipeke niya palagi.

Sa sandaling ika'y tumalikod, agad na tumigil ang takbo ng oras.
Nakita ko kung paano nawala ang dahilan ng pagbangon ko bukas.
Naramdaman ko kung paano nawarak ang aking puso.
Sa isang iglap... Kinuha muli sa akin ang taong minamahal ko.

~~~~~~~~~~~
P.S.
And cut! So eto na po yung part three a.k.a. point of view nung "bago". Hahahaha! Naisip kong gawan ito ng part four na kung saan malalaman na ni "Clara" yung totoo... What do you guys think? ;)
Thank you for reading!! Labyu all! ;)

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon