Ganyan Ako

279 3 0
                                    

Ngumingiti pa din kahit nasasaktan na.
Umaakto na okay lang kahit hindi naman talaga.
Tumatawa ng malakas kahit nalulungkot.
Tinatanggap pa din ang mga pangako kahit kadalasan nababaon lamang iyon sa limot.

Oo, ganyan ako.

Ganyan kita ka-mahal, sinta.
Hindi ko magawang iwanan ka kahit ang sakit sakit na.
Mahal naman kita pero bakit tumitingin ka pa sa iba?
May tiwala ako sayo pero sana isipin mo pa din ang aking madadama.

Oo, para sayo walang malisya ang iyong ginagawa.
Pero sa iyong mga kinikilos, naisip mo na ba ang iisipin niya?
Kaibigan mo siya, kaya hindi kita magawang utusan na lumayo sa kanya.
Pero sana bigyan mo naman ako ng respeto pati na rin ang relasyon nating dalawa.

Ang sakit na kasi, kaya inilabas ko na.
Isinulat ko nalang sa tula ang aking nadadama.
Hindi kita inuutusang umiwas, gusto ko lang na malaman mo ito.
OA na kung OA, pero nasasaktan na ko.

Oo, ganyan ako.

Hindi na simpleng pagseselos ang nadadama ko ngayon.
Nasasaktan ako pero hindi kita kokontrahin sa iyong mga desisyon.
Nobya mo lamang ako, wala akong karapatang kontrolin ang buhay mo.
Hindi ko lang talaga maiwasang makaramdam ng kirot sa aking puso.

Mahal kita, mahal na mahal kita.
Sana alam mo kung ano ang iyong ginagawa.
Huwag kang mag-alala, kakalimutan ko iyon.
Tulad ng ginagawa natin sa tuwing nag-aaway tayo noon.

Oo, ganyan ako.

Kaibigan mo siya, hindi ba?
Kaya sige, iintindihin kita.
Ipipikit ko ang aking mga mata at patuloy na magtitiwala.
Pangako... Hindi ako mag-iisip ng masama at hindi rin ako magdududa.

Oo, ganyan ako.

Ganyan ako pagdating sayo.
Ganyan ka-haba ang pasensya ko.
Mahal kasi kita, kaya ko nagagawa ang mga ito.
Mahal kita, kaya tatanggapin ko ng buo ang iyong pagkatao.

Mahal kasi kita, kaya hindi ko hihilingin na magbago ka.

Masakit pero ayos lang, naiintindihan ko.
Wala namang masama dun, magkikita lang naman kayo.
Pagkatapos, sasamahan mo siya sa lakad niya.
Pakiramdam ko nga, malilibang ka sa kanya.

Sana nasa harapan kita ngayon.
Kasi gusto kong marinig mula sayo na wala lang iyon.
Alam ko kasi na kapag nanggaling iyon sayo, mawawala na yung sakit.
Mapapalitan na muli ng tamis at saya ang nararamdaman kong lungkot at pait.

Oo, ganyan ako.

Mahal, pasensya na ha?
Pasensya na kung nilalagyan ko iyon ng malisya.
Siguro naiinggit lamang ako at nasasaktan ang aking puso't lumuluha.
Dahil imbis na ako na nobya mo ang kasama mo bukas, siya na kaibigan mo ang iyong kasama.

~~~~~~~~~
P.S.
Idaan sa tula ang iyong tunay na nararamdaman.
Nagising bigla at nalulungkot kasi ng sobra si Author kaya ayan. Panibagong piyesa agad... Hahaha.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon