Panindigan Mo

616 3 0
                                    

Minsan dumadating tayo sa punto na kung saan nagkakamali tayo.
At oras na mangyari yun, labis na pagsisisi ang mararamdaman mo.
Nagsisisi ka dahil alam mong huli na ang lahat.
Huli na ang lahat para burahin ang bagong yugto sa iyong aklat.

Isang yugto na di mo inaasahan ang kalalabasan.
Huli na nang malaman mo na iba ang mundo na iyong pinasukan.
Kaya ngayon para kang bata na naliligaw sa gitna ng daan.
Di malaman kung ano ang gagawin o kung ano ang patutunguhan.

Ang unang bagay na maiisip mo ay ang tumakbo papalayo.
Di na mahalaga kung saan makaabot, para lang maiwasan ito.
Walang maisip na maayos na solusyon para malutas ang problema.
Para kang nasa gitna ng sapot ng isang gagamba.

Sunod na maiisip mo ay ang tumigil at huminto.
Huminto sa kalagitnaan ng iyong panibagong yugto.
Yugto na di mo sinasadyang basahin o simulan.
Kaya nais mo itong wakasan sa pamamagitan ng paghinto sa kalagitnaan.

Maiisip mo rin na wag ng ipagpatuloy ang iyong paglalakbay.
Dahil di mo napansing iba na ang takbo ng iyong buhay.
Di mo inaasahan na dito ka dadalhin ng iyong mga paa.
Sa isang lugar na kung saan di ka na makakatakas o makakalabas pa.

Ang problema'y hindi maiiwasan o matatakbuhan.
Ang maling desisyon ay hindi magihing tama kung ito'y iyong patuloy na tatakasan.
Bilang nalang ang mga taong may taglay ng tunay na katapangan.
Katapangan para ito'y harapin, solusyunan, at panindigan.

Ang tunay na katapangan ay hindi nakikita sa pisikal na kaanyuan.
Makikita lamang ito sa kung paano mo harapin ang pagsubok na sa iyo'y inilaan.
Lahat ng kuwento ng buhay ay may mga pagsubok na pinagdadaanan.
Kaya malalagpasan mo rin ang yugto na iyong kinalalagyan.

Minsan ang mga maling desisyon ay nararapat lang na panindigan mo.
Dahil isa rin ito sa mga susi upang ika'y tumatag at matuto.
Minsan kailangan mo ring matuto sa iyong mga pagkakamali.
Upang di mo na ito magawa at para maiwasang maulit ito muli.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon