Maghihintay Ako

611 2 0
                                    

"Good things come to those who wait."

Hindi ako sigurado kung tama ba ang sinabi ko.
Iyan kasi ang kasabihan na pinaniniwalaan ng aking puso.
Isang kasabihan na aking kinakapitan.
Isang kasabihan na nagbigay sakin ng pag-asa na ako'y iyong babalikan.

Kailan?

Kailan ko nga ba huling nasilayan ang iyong mukha?
Kailan nga ba yung huling araw na nayakap kita?
Kailan ko nga ba huling narinig ang tinig ng iyong boses?
Kailan ko nga ba huling nakita ang iyong ngiti na sintamis ng sorbetes?

Tatlong taon na, hindi ba?

Tatlong taon na rin pala ang nakalipas, mahal ko.
Tatlong taon na rin pala ako nangungulila sa iyo.
Tatlong taon na rin pala akong naghihintay na balikan mo.
Naghihintay at umaasa na maibabalik pa yung dating tayo.

Tatlong taon na rin pala akong naghahanap ng sagot.
Sagot sa tanong na, "bakit parang ang bilis mong nakalimot?".
Bakit mayroon agad akong kapalit?
Bakit parang hindi ka man lang nakaramdam ng sakit?

Bakit?

Anong sikreto mo, mahal ko?
Paano mo ko nagawang burahin sa iyong puso?
Paano mo nagawang ibaon sa limot ang ating mga alaala?
Paano mo ko nagawang ipagpalit sa kanya?

Bakit nga ba?

Okay naman tayo, hindi ba?
Wala naman tayo naging problema.
Masaya naman ang ating pagsasama.
Ibinigay ko ang lahat ng aking makakaya para lang sumaya ka.

Kaya mahal... Bakit?

Bakit iniwanan mo pa rin ako?
Bakit binasag mo pa rin ang aking puso?
Samantalang wala naman akong ibang ginawa kung alagaan at ingatan yung iyo.
Kaya bakit nagawa mo pa ring magloko?

Masakit.

Masakit pa din hanggang ngayon.
Sobrang sakit, para bang nangyari lang kahapon.
Bakit ganun lang ka-dali para sayo ang tapusin lahat ng mayroon tayo?
Bakit parang ni isang sugat, wala ka man lang natamo?

Saan ba?

Saan ba ako nagkulang, mahal ko?
Lahat tinalikuran ko para lamang sayo.
Mas pinili kita kaysa sa mataas na marka, mas pinili kong ipaglaban ka.
Pero pagkatapos ng lahat ng iyan, sumama ka pa din sa iba at pinagmukha akong tanga.

Siguro nga...

Oo, siguro nga ako na ang pinaka-malaking tanga.
Dahil hanggang ngayon, naghihintay pa din ako at umaasa.
Naghihintay at umaasa kahit alam kong malabo na.
Malabo nang bumalik ka pa dahil masaya ka na sa piling niya.

Pero...

Kahit na ganun ang sitwasyon, maghihintay ako.
Hihintayin ko yung araw na siya naman ang paiiyakin mo.
Hihintayin ko yung araw na siya naman ang magsasawa sayo.
Hihintayin ko yung araw na sakin ka na lalapit upang mapunasan ang mga luha mo na walang tigil sa pagtulo.

Maghihintay ako, di bale nang magmukhang tanga.
Maghihintay ako, di bale nang magmukhang katawa-tawa.
Hihintayin ko yung araw na kung saan nasa bisig na ulit kita.
Maghihintay ako, kahit alam kong sasaktan mo lang ako ulit at iiwanang mag-isa.

Pinagmukha mo na kong tanga, kaya paninindigan ko na.
Paninindigan ko ang pagiging tanga dahil mahal kita.
Maghihintay ako, kahit gaano pa ka-tagal ang abutin.
Maghihintay pa din ako kahit alam kong hindi ka na babalik sakin.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon