Part 49- Unbreathable

463 19 0
                                    


Blue pov;

"Goodnight baby.." malambing niyang sabi sa akin habang hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko.

Napakagat na lang ako sa labi ng mapansin kong napatingin na naman siya dito. Napatawa pa siya ng mapagtantong nahihiya na ako sa ginagawa niya.

"G—goodnight Mikael." nauutal kong sambit sa kanya.

Gusto ko nang lumabas ng kotse niya dahil ilang minuto na kaming nakaparada sa labas ng bahay ko pero hawak niya pa rin ang kamay ko kaya hindi ako makalabas-labas.

Iniisip ko na ding baka mabored si Isay sa paghihintay.

"Ahmm.. Mikael yung kamay ko.." nahihiya ko ng sambit sa kanya para bitawan na niya ako pero mas hinigpitan lang niya ang hawak dito..

"From now on you should call me baby too Lorraine." nakangiti pa niyang sambit. Mas lalo pa ata akong nahiya sa sinabi niya. Napadiin tuloy ang pagkagat ko sa labi ko.

Ngayon lang ata bumalik sa akin ang ginawa namin kanina. Potcha! We shared an unbreathable kiss..

Hindi kasi siya tumigil hanggang di kami kinapos ng hininga. At plastic ako kung hindi ko iyon nagustuhan.

"Don't bite your lips like that baby or else—

Mabilis kong nabawi ang kamay ko sa kanya at kung pwedi lang kumaripas ng takbo ay ginawa ko na. Takte! Parang sasabog na ang mukha ko sa init na nararamdaman ko ngayon..

"Haha.. don't be shy babe." natatawa niyang sambit at pilit na namang hinahawakan ang kamay ko. Nang hindi niya mahawakan iyon ay sa pisnge ko naman siya humawak..

Mas lalo akong nahiya. Ramdam na siguro na ang init ng mukha ko ngayon.. Shete talaga.

"M—mikael.." mahinang tawag ko sa pangalan niya. Gusto ko lang namang bitawan niya ang pisnge ko pero naging malambing ang tunog nun.

Napatingin naman siya sa mata ko. At kahit may kadiliman sa loob ng sasakyan niya, naaaninag ko pa rin yung kislap ng mga mata niya at wala sa sarili akong napangiti doon.

"I love you Sabrina Lorraine.." buong suyo niyang sambit at ramdam kong totoo ang sinasabi niya.

Napangiti ako pati na rin ang puso ko. Ang sarap palang marinig ang ganoong kataga mula sa taong mahal mo.

Hinawakan ko din ang pisnge niya bago siya dampian ng magaang halik sa labi niya. Halik na nagsasabing mahal ko din siya. Hindi ko man masabi ang mga katagang iyon ngayon pero alam ng puso kong siya lang ang lalakeng magmamay-ari nito.

Hinayaan na din niya akong lumabas sa kotse niya. Ilang minuto siyang nakatanaw sa akin at nagdesisyon na ding umalis nung mabuksan ko na ang maliit na gate ng bahay ko. Nakangiti ko pa siyang tinatanaw habang papalayo ang sasakyan niya.

Ngunit nabalik lang ang diwa ko ng makita kong nakataas ang kilay ni Isay na nagmamasid sa akin.

"Tapos na kayo?!" untag niya. "Grabe Blue parang nakalimutan mo ako ah. Anong ginawa niyo doon sa kotse ni Mikael at ang tagal-tagal mong lumabas huh?!" sermon pa niya.

"N—nag-uusap lang kami." Nauutal ko namang sagot sa kanya.

"Eh bakit pulang-pula yang mukha mo?!" tinignan niya pang mabuti ang mukha ko kaya napaiwas na lang ako baka mahalata niyang may iba pa kaming ginawa ni Mikael bukod sa pag-uusap.

"Wala Isay, naiinitan lang siguro ako.— pumasok na nga tayo. Gutom lang yan." iwas ko sa kanya at mabilis na pumasok sa bahay. Nakasunod lang siya sa akin at para siyang manok na putak ng putak sa mga sinasabi niya.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now