Part 71- Music Festival 4

348 21 0
                                    




Mikael points of view:

Bago pa man mag-umpisa ang Music Festival na gaganapin ngayong gabi nag-usap-usap muna kaming magkakaibigan dito sa music room.

"Anong plano mo dude? Hahayaan mo pa rin ba si Blue sa desisyon niya?" tanong ni Dione sa akin. Bumaling lang ako ng tingin sa kanya ng hindi sinasagot ang tanong niya.

"I'm worried about her Mikael at nag-aalala din ako sayo. Bro, ilang araw ka ng nagpapakalunod sa alak." nag-aalala namang sermon ni Miguel.

He's right. Araw-araw nga akong umiinom matapos naming mag-usap ni Lorraine. I just want to forget na nasasaktan ako kahit saglit lang. I was so devastated after that night. Nakagawa ako ng bagay na hindi dapat. Nasaktan niya ako pero pakiramdam ko mas nasaktan ko siya sa gabing iyon.

Ilang araw ko siyang hindi nakita. Hindi niya din sinasagot ang mga tawag ko. Gusto kong magsorry sa kanya pero hindi ako nabibigyan ng pagkakataon. Ilang beses ko din siyang inaabangan malapit sa gate ng bahay nila pero hindi ko man lang siya nakikita kahit saglit man lang.

Araw-araw ko siyang inaabangan sa parking area, dala-dala ang araw-araw ko ding gustong ibigay sa kanya. Kahit iyon na lang ang naging dahilan ko para pumunta sa academy pero araw-araw din akong bigo sa paghihintay.

And then, I saw her on the other night at the TB Bar. She's singing the first song na kinanta ko para sa kanya. Okay na sana eh, sobrang ganda ng boses niya., gusto ko din siyang lapitan para yakapin ng mahigpit pero natigilan na lang ako ng ngumiti siya. Nung gabing yun nakangiti siya habang kumakanta ngunit hindi para sa akin, para iyon sa lalakeng kasama niya.

Gusto kong magwala sa mga sandaling iyon. Sobra akong nasasaktan. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa sakit. Unang beses kong masaktan ng ganoon. Sobra akong natakot na baka may iba na. Gustong kong malaman kung ano niya ang lalakeng iyon pero natakot ako na baka lalo lang akong masasaktan kung maririnig ko mula sa kanya ang ayaw kong marinig na dahilan. Kaya pinili ko na lang na umalis pagkatapos nilang kumanta.

Tahimik na lang akong napahiling na sana ako na lang ang lalakeng iyon. Na ako na lang ang kinantahan niya ng gabing iyun.

"She's coming tonight dude kaya ayusin mo ang sarili mo. Kung hindi mo siya mapipilit na tanggapin ang tulong natin pwes ako ang kakausap sa kanya." saad ni Dione na ikinaputol ng iniisip ko.

Napabuntong hininga na lang akong bumaling sa kanya.

"I'll talk to her tonight." sambit ko bago ulit nag-iwas ng tingin. Yeah, i should talk to her tonight. Kahit magmakaawa ako mabago lang ang desisyon niyang paglayo sa amin ay gagawin ko. I want her back. Kung kailangang magmakaawa ako para bumalik lang siya sa akin, ..na ako pa rin ang piliin niya ay gagawin ko.

Kinagabihan, nag-umpisa na ang music festival pero hindi ko pa rin siya nakikita.

Natapos ang performance namin ng hindi pa rin siya dumating.

Nawawalan na ako ng pag-asa dahil malapit ng matapos ang sinundan nilang grupo ngunit wala pa rin siya sa tabi ng mga kasama niya.

Maya-maya pa ay tinawag na ang grupo nila, napalingon na lang ako sa stage ng lumabas si Isabela at Kirsten. Hinihintay ko siyang sumunod sa kanila dahil baka nakaabot siya. Lihim na lang akong napangiti ng makita ko siyang naglakad na paakyat ng stage.

She's here and she's beautiful as always. Wari unti-unting naglaho ang kirot na lihim na nararamdaman ng puso ko.

"Cool!" napapahangang sambit ni Czero nang makita niya din kong saan pumwesto ng upo ang babaeng nagpapatibok na naman malakas sa puso ko.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now