Part 20- New friend

903 78 45
                                    


New friend..

Blue points of view:

Papunta kami ngayon sa cafeteria para magbreak kaya nakikita namin ang baseball player at archery player na nagsasanay sa field.

"Oyy Blue tignan mo si Kirsten, player pala siya ng archery."sabi ni Isay.

Tinignan ko naman ito habang nag-eensayo.

"Alam mo Blue? Gusto ko siyang maging kaibigan, may plano kase akong magtayo ng anti-bully partylist dito sa Academy." sambit niya habang tinitignan niya pa ang mga baseball player.

Galing mag-isip ni Isay parang kakandidato lang sa senado.

"Eh bakit di mo siya kaibiganin?" tanong ko naman sa kanya.

"Pwedi ba?" tanong din niyang pabalik sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay. Eh ba't tinatanong pa ako nito. Ako ba nanay niya? Parang nagpapaalam pa kasi siya sa akin.

"Eh syempre kapag kaibigan ko, kaibigan mo na din kaya tinatanong kita." nguso naman niya sa akin.

Bumuntong hininga ako. Naiiling na lang ako sa kanya. Napapansin ko namang mabait itong si Kirsten noong una kaming nagkita kaya tumango na lang ako. At tsaka hindi din naman ako mananalo sa kakulitan nitong si Isay.

"Yun oh, tara puntahan natin."nakangiti niyang sabi.

Ayy agad-agad? Masyadong atat itong si Isay.

"Excited?"sarkastikong sabi ko sa kanya.

"Oo hehe.. excited na ako sa partylist na itataguyod ko." may panggigigil niyang sabi sa akin habang ngiting-ngiti pa siya.

Takte! Natatawa nalang ako sa pagkaloka-loka nitong kasama ko.

"Hello Kirsten! Can we be friends?" Agad-agad na tanong ni Isay. Excited nga talaga siya. Walang kagatol gatol na tanong niya agad kay Kirsten. Nagulat pa ata.

Naalala ko sa kanya si Miguel.

"W-what?"gulat at nagtatakang tanong pa ni Kirsten sa kanya.

Nagulat nga talaga siya. Sino ba naman ang hindi magugulat sa loka lokang si Isay buti nga di nakababa ang pana nitong si Kirsten baka nabulls eye itong si Isay kapag nagkataon.

"Can we be friends?" tanong ulit ni Isay na nakangiti pa din.

"R-really? I mean.. you really want to be friends with me?" medyo utal pang sabi ni Kirsten.

"Yes."sabi ni Isay na hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi.

"Ahmmm.. I love it too.. to be friends with you. But is it okay to Miss Sabrina?" nahihiya niyang sabi tapos tumingin sa akin.

Tumango muna ako bago nagsalita.

"Blue na lang itawag mo sa akin." saad ko sa kanya.

"Yun oh.. pumayag na siya. Mga malalapit na kaibigan lang niya ang tumatawag na Blue sa kanya kaya close ka na din namin Kirsten." masayang sabi ni Isay. Oa niya masyado! Eh sa iyon ang palayaw ko.

Ngumiti naman si Kirsten sa akin.

"Thank you."nakangiti niyang sabi.

Tumango lang ulit ako sa kanya at bahagyang ngumiti.

"Tara meryenda muna tayo sa cafeteria."yaya ni Isay sa amin.

Pagdating namin sa cafeteria ay mga players ng iba't ibang sports ang naabutan namin.

"Look who's here. The ultimate loser of the Archery sports." sabi ni Tiffany na bully ng school at nakatingin ito kay Kirsten. Geez! Kilala ko na kaagad ang mga pagmumukha nila.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ