Part 26- Sports Festival 1

848 77 63
                                    




Sports Festival Opening..

Ngayong araw ang umpisa ng Sports Festival ng high school at senior high. Madaming studyante ang nagkalat sa loob at labas ng San Sebastián Academy. Nahahati sa iba't ibang grupo ang kinabibilangan nila, may mga maglalaro at mga manunuod.

Kanya-kanya ding dalang banner bawat studyante batay sa schools kung saan sila nag-aaral. At dahil ang San Sebastian Academy ang host ng Sports Fest ngayon, lahat ng magiging laro ay dito gaganapin sa campus.

Kompleto at malawak din naman ang sakop ng Academy kaya kaya nito ang dami ng studyanteng dadalo sa naturang pagdiriwang.

Kanya-kanyang datingan na din ang mga players ng iba't ibang schools at makikita mo sa mga uniform nila kung saan silang schools galing.

Sa kabilang banda ay sabay na dumating si Isay at Blue. Nagulat pa silang makita ang dami ng studyante na nakakalat sa campus.

"Ganda ng uniform natin Blue. Ang komportable sa katawan. Di katulad ng uniform natin dito sa school na skirt. Hehe." masayang sabi ni Isay patungkol sa uniporme nila para sa mga billiard players. Naka pants kasi sila ngayon na kulay light gray at naka polo shirt naman ang pang-itaas nilang suot na may combination ng gray at mauve. Simple lang ang design at komportableng suotin kaya lang overeact si Isay kaya gandang ganda siya sa uniporme niya.

Sabagay sino ba naman ang unang hahanga sa kanya kundi ang mga sarili lang din niya. Pero ibahin niya si Blue.. Chill lang, as usual wala pa ring pakialam.

Nagsimula na silang maglakad papasok sa school at may ibang studyante din ang nakakapansin sa kanila.. ay hindi.. kay Blue lang pala..

May mga nagbubulungan pang mga babaeng studyante na hindi mo malaman kung insecure ba o humahanga sa kanya. Napapasipol din ang mga lalake lalong lalo na ang mga galing sa ibang schools.

Ngunit hindi na pinansin ni Blue ang mga tingin nila at walang emosyong naglakad lang sa loob ng campus. Nasasanay na din siya sa katagalan na pagpasok niya sa school at may nakakapansin talaga sa kanya.

Hindi lang niya maunawaan kung bakit kahit wala siyang ginagawa at naglalakad lang naman siya ay pilit siyang pinapansin at tinitignan ng iba. Sa una ay naiinis siya sa pinapakitang pansin ng mga ka-school mates niya pero sa araw-araw ba naman ng pagpasok niya sa academy na puro tinginan at bulungan ang aabutan niya eh masasanay na talaga siya. Wala naman din itong ginagawang nakakainit ng ulo niya maliban na lang sa mga bully students.

"Blue ganda mo daw sabi nung gwapong player ng ibang school, St. Bernard ata ang school ng mga 'yan."bulong ni Isay habang nakaturo ang nguso niya dun sa grupo ng mga player.

"Kumaway ka naman Blue. May fans ka na agad di pa nga nag-uumpisa ang laro natin. Hehe." nakangising sabi ni Isay.

"Tsk." naiiling na komento ni Blue.

"Ang ganda niya pare."sabi nung lalakeng player ng ibang school.

"Anong laro niya? Player din kaya siya?" bulong naman nung babae dun sa ka-grupo niya.

"Papalipat na yata ako dito sa San Sebastian pre. Nandito na destiny ko."

"Infearness may ganda siya,, sana maganda din ang laro niya. Haha."mapang-asar na tawa nung taas kilay na babae.

"Tanungin mo pre kung anong laro niya para mapanuod natin." sulsol nung isang lalake.

"Miss can you be mine?"sigaw pa nung matangkad na lalake.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon