Part 91- Antidote drug

224 12 0
                                    



First points of view:

"A-anong gagawin niyo sa akin?" kinakabahan kong tanong sa mga lalakeng goons.

Dinala nila ako dito sa loob ng laboratory ng baliw na doctor na iyon.

Hinampas pa nga muna ng Hiroshi na iyon si Dew kaya nawalan din ito ng malay kagaya nina Blue at Ivory.

Pinahiga nila ako sa isang hospital bed. Tinali din ang mga kamay ko sa gilid ng higaan na parang isa akong baliw na nagwawala upang pakawalan nila ako.

"Mga hayop kayo.. hindi ako baliw!" sigaw ko sa kanila.

Pumasok naman ang naka wheelchair na doctor at nakangisi pa itong nakatingin sa akin.
Balak din ba niya akong turukan din ng gawa-gawa niyang dievil drug?

Humanda siya dahil kapag nagkataong mainjectionan din ako at maging malakas katulad nina Blue ay baka masunod ko pa siyang makuhaan ng buhay.

"I want to try my new drug invention to you young lady." sambit ng doctor ng makalapit na ito sa akin.

Anong new? Hindi ba iyon kagaya ng naunang droga na tinurok niya kina Blue? Balak niya pa ata akong pag-eksperimentohan.

"Kingena! Pakawalan mo 'kong baliw ka! Hindi ako hayop para pag-eksperimentohan mo!" angil ko.

"What did you say?" gulong-gulo na tanong niya. Hindi pala nakakaintindi ang doctor na ito ng ilang tagalog words dahil hapon ito.

"Sabi ko pakawalan mo 'kong hayop ka! Hindi ako laruan na basta-basta mo na lang iwanan., este hindi ako bagay na pwedi mong gamitin!"

Nangunot lang ang noo niya sa pinagsasabi ko. Wala akong pakialam kung hindi man niya ako maintindihan, problema na niya iyon. Ang iisipin ko na lang ngayon ay kung paano ako makakaalis sa lugar na ito.

"Bring me the drug!" utos niya pa sa tauhan niya.

Naloko na! Magiging experiment ba ako sa oras na ito?

Nagpumiglas ako sa pagkakatali sa akin ngunit hindi ko man lang magalaw ang mga kamay ko. Hinayupak ang nagtali sa akin, masyadong hinigpitan.

"H-huwag mong iturok sa akin ang injection na yan baliw kang doctor ka! Makawala lang ako dito kahit mata mong hayop ka may latay!" singhal ko ngunit ang animal hindi talaga nagpapigil.

Juice colored mahabagin, magiging zombie na ba ako?

Automatiko akong nanghina ng magtagumpay siyang iturok sa akin ang drugs na bagong gawa niya.

Gusto kong hingin ang tulong ng mga kaibigan ko pero kahit iyon ay parang nawawala sa utak ko. Makakalimot ba ako?

***

Ivory points of view:

"Beat them!" rinig kong sambit ng isang lalake kaya napamulat ng bahagya ang mata ko.

Ramdam ko ang pangangawit ng mga kamay ko kaya napatingin ako dito. Namulat ko na lang ng malaki ang mga mata ko ng makita kong nakatali ang dalawang kamay ko habang nakataas ito.

Bumaling ako sa tabi ko at ganoon din ang ayos ni Dew na tulog pa rin sa mga sandaling ito.

Hinanap ko si First pero wala pa rin siya sa tabi namin.

"Hey Blue." tawag pansin ko kay Blue  nakatayo lang sa harap namin. Mariin ang pagkakatitig niya sa amin ni Dew na wari'y kinikilala niya kami at parang wala siya sa sarili niya.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now