Part 53 - Surprise

433 22 2
                                    



Blue pov:

"Oyy Blue nanliligaw na ba sayo 'yung si Mikael?" tanong ni Isay sa akin habang nakahiga na kami sa kama ko.

Napabaling naman ang tingin ko sa kanya pero hindi ako nagsalita.

"Ano? Magtitigan na lang tayo dito? Baka ma-inlove ka niyan sa akin di tayo talo." nandidiri pa niyang dagdag.

Napangiwi naman ako sa kanya. Ang arte.

"Kami na ni Mikael Isay. Boyfriend ko na siya." sagot ko naman sa kanya na ikinatahimik niya.

Napabangon pa siya at parang pinoproseso ng maayos sa utak niya ang sinabi ko.

Maya-maya ay bumaling siya sa akin at biglang pinalo ang hita ko.

"Baliw ka ba? Bakit sinagot mo agad? Hindi mo man lang ba pinahirapan? Baka akalain niya easy to get ka." letanya niya.

Napanguso na lang ako sa sinabi niya. "Bakit ko naman papahirapan pa eh parehas naman kami ng nararamdaman. Tsaka hindi ako easy to get, mas okay na 'yung kami na habang kinikilala namin ang isa't isa." sagot ko.

Umiling lang siya sa sinabi ko. "Sana tama 'yang desisyon mong 'yan Blue."
"Naku kapag talaga sinaktan ka niyang lider ng mga itim na kabalyero pati mata niya may latay." banta niya.

"Talaga?" Natawa kong tanong sa kaniya. Typical Isay.

"Syempre naman. Bestfriend kaya kita at ayokong sinasaktan ka ng iba, lalo na 'yang puso mo. Ayokong makikita na naman kitang malulungkot kaya umayos-ayos talaga 'yang Mikael na 'yan." concern niyang salaysay.

"Haha. Matulog na nga tayo Isay." sambit ko na lang sa kanya. Natutuwa ako dahil ramdam kong pinapahalagahan niya talaga ako. Ayoko din naman malulungkot na namang muli tulad noon kaya nagpapasalamat talaga akong nagkasama ulit kami.


Ilang minuto din ang nagdaan ng mahimbing ng natutulog si Isay. Hindi ako dalawin ng antok kaya pinili ko na lang lumabas at magpahangin sa harden.

Sobrang tahimik dahil hatinggabi na din.

Madilim ang paligid ngunit maliwanag naman ang langit dahil sa mga bituin na tahimik na nagkikislapan.

Ilang minuto din akong nanatiling nakatingala sa langit.

"Ma isa ka din kaya sa mga bituin na yan?"

Napangiti na lang ako sa naisip ko.

"Ma, may boyfriend na po ako. Huwag po kayong magalit ah." mahinang sambit ko habang nakatingin pa rin sa mga bituin. "Nextime ipapakilala ko po siya sa inyo." nakagat ko na lang ang labi ko. ..at kay Papa din po." dagdag ko pa. Kinabahan ako ng maalala ko si Papa. Bigla tuloy akong napalunok.

"Ma, magagalit po kaya si Papa?" namroblema kong tanong. Patay ako nito.

Pumasok na din ako ulit sa bahay ng makaramdam na ako ng antok pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang tungkol kay Papa.

Inaamin kong kinakabahan ako sa tuwing maiisip kong sabihin sa kanya na may boyfriend na ako pero ganoon pa man hindi sumasagi sa puso ko ang pagsisisi sa naging desisyon ko.


Nagising na lang ako sa ingay ng bunganga ni Isay kinabukasan.

"Blue gising na may pasok pa tayo." sambit nito habang tinatanggal na ang kumot na nakatalukbong sa katawan ko.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon