Part 36- Finals 1

597 60 35
                                    



Isay pov...

Last day na ng Sports Fest at ngayon gaganapin ang finals ng bawat game. Unang naka-schedule ang basketball game na maglalaban ang St. Bernard Academy vs. San Sebastián Academy. Kasunod nito ang laban ni Kirsten na umabot din ng finals. Pang-hapon naman ang billiards at susundan ito ng baseball.

Umaga pa lang ay hindi na magkamayaw ang mga manonood. Kanya-kanya silang dala ng mga banners para sa maglalabang kupunan. Ang daming nag-aabang ng laro lalong-lalo na ang mga babaeng fans ng magkabilang team. Excited na ang mga ito at di mo maintindihan kong kinakagat ng langgam o linta na binudburan ng asin dahil sa ang likot nila sa paningin. Puro sila tilian at hagikhikan habang nakatingin sa mga players.

Ako at si Kirsten pa lang ang nandito sa gym dahil wala pa si Blue. Nagsabi siyang mali-late siya ng kunti dahil may pupuntahan pa siya bago pumunta dito.

"Isabela asan na si Blue?"tanong ni Kirsten sa akin..

"Di ko alam.. sabi niya may pupuntahan lang daw siya bago makapunta dito. Sabagay ok lang naman ma-late siya.. Mamaya pa naman ang laro namin.."sagot ko naman sa kanya habang tinitignan ang phone ko. Nag-message lang kasi si Blue sa akin at yun nga ang sinabi niya.

"Sa palagay ko.. hindi okay na ma-late siya."biglang sabi ni Kirsten.

Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Bakit naman hindi eh wala namang attendance para hindi siya pweding ma-late.

"Look."sabi niya at sabay tingin sa harap kung saan nakaupo ang Dark Knights na nakatingin sa inuupuan namin. "And also look over there." nakanguso niyang sabi at tumingin sa kabilang bahagi ng court kung saan nakaupo si Marco at nakatingin din banda sa amin.

"I think they are looking for Blue."sabi ni Kirsten habang palipat-lipat pa rin ang tingin sa dalawang team na nasa court.

"Potcha.. ganda talaga ng babaeng yun.. Biruin mo ang daming nagkakagusto."naiiling kong sabi kay Kirsten. Hindi kaya nahihirapan si Blue sa sitwasyon niya.. Ang hirap din palang maging maganda.

Natawa lang si Kirsten at tumango. Maya-maya pa ay nag-umpisa na ang laban at unang quarter pa lang ay palitan na ng puntos ang magkabilang kupunan.. Kapag nakaka-two points ang San Sebastian na pinangungunahan ni Mikael at bumabawi din ang St. Bernard na team captain naman ay si Marco. Madalas ding nakaka-pasok ng bola si Miguel my loves na binabantayan ni Ulysess.

Second quarter na pero wala pa rin si Blue. At sa bawat nagbibigay ng time-out ay sumusulyap ang Dark Knights sa gawi namin ni Kirsten na wari may hinahanap at inaabangang makita at alam namin ni Kirsten na si Blue ang hinahanap nila. Ganun din ang ginagawa ni Marco na lagi din tumitingin sa kinauupuan namin.

Patuloy pa rin ang laro at nakalamang ng puntos ang St. Bernard.. Tuloy-tuloy din ang tilian ng mga manonood na pwedi ng dahilan ng pagkabinge namin ni Kirsten. Iba pala ang epekto kapag hindi ka nakikisigaw sa mga nag-che-cheer dahil na sayo ang impact ng sigaw nila. Peste. Nakakabinge..

"Woahhhhhhhh.. go Marco.. ang gwapo mo."

"I love you Mikael.."

"Dark Knights galingan niyo.."

"St. Bernard.. go go go.. galingan niyo.."

"Baby Nico.. ang gwapo mo."

"Miguel my loves.. akin ka na lang please."

"Mas gwapo si Ulysess.. go love."

"Oh my God.. ang cool ni Dione."

"Woahhhhhh.. Go San Sebastián.. go."

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now