Part 96- Effect

215 12 0
                                    



Blue points of view:

Nanghina ako lalo ng makalabas na ako ng emergency room kung saan nandoon si Mikael.

Hindi ko man lang siya nagawang lapitan.

Gustong-gusto ko siyang hawakan pero nanaig sa loob ko ang takot na baka katulad ni Dione ay titigil din siya sa paghinga, na katulad ni Mama ay tuluyan niya din akong iwanan.

"Savvie.." natigilan ako ng marinig ko ang tawag na yun. Unti-unti akong napatingala ng rumehistro sa utak ko ang boses ng taong siya lang ang tumatawag sa akin ng pangalang iyon.

"X-xander." sumalubong sa akin ang nag-aalala niyang hitsura. Mabilis naman akong napayakap sa kanya upang doon humagulhol at ibuhos ang takot at sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Sweetie what happened, hmm? Why are you crying?" hinagod niya ang likuran ko pati na din ang buhok ko habang malambing na nagtatanong sa akin.

Nanatili lang akong umiiyak sa dibdib niya. Hindi ko na nga natanong kung bakit nandito siya.

"Miss Park, we need to go inside." singit na isang boses mula sa likod ko.

Napatingin naman ako kay Red na siyang nagsalita bago tignan si Xander na ngayon ay nag-aalala pa ring nakatingin sa akin.

"W-what are.. - hindi ko na natapos pa ang itatanong ko sa kanya ng mapansin ko ang suot niyang kulay puti na katulad ng pang-doctor na kasuotan nina Miss Herra at Red sa mga oras na ito.

"I-ikaw ang doctor?" tanging tanong ko na lang sa kanya na ikinatango naman niya.

Muling nagtubig ang mga mata ko habang mabilis na hinawakan ng mariin ang dalawang kamay niya.

"P-please Xander.. p-please save him.. I can't lose him.. please do all.. g-gawin niyo ang lahat maligtas lang ang buhay niya.. please." halos mapaluhod na ako sa harap ni Xander upang makiusap na maligtas lang si Mikael.

"Sabrina!" tawag nito sa akin habang inalalayan akong tumayo.

"We will do everything para maligtas lang siya Blue." sambit ni Red sa likod ko. "Let's go Dr. Go." yaya nito kay Alexander na muli pang yumakap sa akin at ramdam ko ang paghalik niya sa noo ko.

"..nice meeting you again my sweet savvie but I'm not happy seing you crying in front of me right now.. I'll be back.. I promise to do everything to save that person inside kaya huwag ka ng umiyak,okay? I miss you sweetie.." malambing nitong saad habang yakap niya ako.

Bumitaw na siya sa akin at tuluyang pumasok na sa loob.

Dumating si Dew kasama si First na nag-aalala din akong tinignan.

"Everything will be fine Blue.. hindi mo maiiwasan ang ganitong pangyayari sa uri ng buhay na meron ka, ..na meron din ako kaya kailangan mong tibayan ang loob mo." sambit ni Dew.

"Maging ang sikmura mo din ay kailangan mong tibayan." singit naman ni First na nakatingin lang sa kawalan.

"Gutom ka ba?" baling naman ni Dew sa kanya.

Pilit lang siyang ngumiti na parang may inaalala siyang bagay sa utak niya.

Umupo kami sa katabing bench. Matagal na namayani ang katahimikan sa aming tatlo na parang may kanya-kanya kaming iniisip sa mga oras na ito.

Nag-aalala pa rin ako kay Mikael pati na din kay Dione.

Tahimik lang si Dew habang pansin ko ang pagbaling niya sa hita niyang may tama din ng baril. Pansin ko din ang mga pasa niya sa katawan maging ang pumutok niyang labi.

Itatanong ko na sana sa kanya kung anong mga nangyari nung wala akong malay ngunit nauna ng magsalita si First.

"Naisip ko lang kasi kung tama bang ininject ko sayo ang antidote na iyon Blue." baling nito sa akin na malalim niya pang ikinabuntong hininga.

"Bakit?" tanong ko sa kanya ngunit unti-unti na akong napatingin kay Dew..

"Alam mo bang lalo akong tumalino ngayon?" natatawa niyang sambit. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya sa sinabi niya. "..kingena Blue kanina pa umiikot sa utak ko 'yung lahat ng ala-ala ko mula pagkabata hanggang kasalukuyan, hahaha." tawa niya pa rin ngunit nauwi iyon sa pagpiyok ng boses niya. "..nangyayari na din ba sa iyo ngayon ang ibig kong sabihin?!" tanong ulit nito na nagpanatili ng pagkakayuko ko.

Oo tama siya. Kanina pa nagsimula ang pag-alala ko sa nakaraan. Naging sariwa sa alaala ko ang araw ng pagkamatay ni Mama, ang araw kung saan gusto ko ng kalimutan.

Ngunit ngayong sinabi niya ang posibilidad na epekto ng antidote drug na ininject niya sa akin, unti-unting pumapasok sa utak ko ang ginawa ko kina Dew at Ivory. Ang pambubugbog ko sa kanila.

Napahawak na lang ako sa ulo ko maalala ko ang mga boses nila habang nagmamakaawang tigilan ko ang pananakit na ginawa ko.

"Blue," tawag ni Dew sa akin kaya luhaan akong napabaling sa kanya. ..a-anong nangyayari sayo?" tanong pa niya ng mariin kong hawakan ang ulo ko.

"Dew.. I- I'm sorry.. I'm sorry sa nagawa ko sa inyo ni Ivory.. patawad Dew.. nakalimot ako.. nakalimutan kong mga kaibigan ko kayo. S-sorry." hingi ko ng patawad sa kanya na ikinalaki ng mata niya.

"K-kasalanan ko kung b-bakit nag-aagaw buhay ngayon si M-Mikael.. p-para sa akin ang balang iyon.. p-pero bakit? ..bakit hinayaan niyang salagin ang balang dapat ay para sa akin?" puno ng pagsisi kong saad na ikinayakap na ni Dew sa akin.

"Because he loves you Blue.. sinalo niya ang balang tatama sa mismong ulo mo." sambit ni First sa tabi ko. "..ayaw ka niyang mamatay.." rinig ko ang paghikbi niya matapos niyang sabihin iyon.

"First.." rinig kong tawag ni Dew sa kanya.

"Maswerte ka Blue dahil ayaw ng mga taong nakapalibot sayo na mamatay ka.. s-samantalang ako.. ..hahaha.. kingena!"  bigla na naman siyang natawa sa hindi ko alam kung anong dahilan. ..don't mind me.. gutom lang siguro 'to." sambit niya.

Napatingin ako sa kanya habang pinupunasan ang mga luha niya. Nagpilit pa siyang ngumiti na kahit kaunti ay hindi napalitan ang lungkot na nakikita ko sa mga mata niya mula pa kanina.

Muli kaming tumahimik na tatlo. Patuloy pa rin sa pagtulo ang luha ko habang inaalala ang mga nangyari noong mga oras na nakalimot ako.

Ngayon ko lang napagtantong ako ang may gawa ng bawat pasa sa katawan nina Dew at Ivory.. at maging ang pagkakabaril kay Mikael ay ako din ang dahilan.

Tama pa ba talagang manatili sila sa tabi ko kung bawat buhay nila ay nanganganib sa tuwing nanganganib din ang buhay ko?


***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Thank you.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now