Part 74- Help

298 20 0
                                    

Matured content: Some scenes are not suitable for the young readers. It contains abusive scene, read with your own risk.

***

Blue points of view:

Someone drag me palabas ng sasakyang sinakyan ko kanina. Nakapiring pa rin ang mga mata ko kaya wala pa rin akong makita ngayon.

May humawak sa balikat ko upang igiya akong maglakad. Alam kong malaking lugar ang kinalalagyan ko ngayon dahil na din sa naririnig kong ingay ng paligid ngunit hindi ko alam kung saang lugar nila ako dinala.

"Boss ang gandang babae nito." sambit pa ng lalakeng may hawak sa akin. Gusto kong mangilabot sa uri ng pagkakasabi niya.

"Don't you dare use your dumb fucking mind asshole! I know what you're thinking kanina pa!" malamig na banta sa kanya ng lalakeng tinawag niyang boss.

Unti-unti naman akong binitawan ng lalakeng bastos ngunit napalitan din ng ibang kamay na humawak sa kabilang braso ko.

"Be a good girl Sabrina." mahina nitong bulong sa akin at sigurado akong siya ang boss na kinausap ng lalake kanina. Siya din ang kausap ni Ivory bago nila ako makuha.

"How did you know me?" mahinang tanong ko sa kanya.

"Dahil nagpakilala ka." simpleng sagot lang nito na nagpagulo sa isipan ko.

"What? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko ulit dito na mahinang tawa lang ang sinagot sa akin.

Maya-maya ay naramdaman kong pinasok nila ako sa isang silid. Hawak-hawak pa rin ako ng boss ng grupo. Huminto kami sa paglalakad kasabay din ng paghinto ng pagsasalita ng lahat.

"So, you must be the daughter of the Mafia boss." sambit ng baritonong boses na kahit hindi ko ito makita, alam kong may edad na din ito katulad ni Papa. Marahil ito na ang kalaban niyang gustong kumuha sa akin.

"Sabrina Lorraine Park. A beautiful young lady, sayang naman kung hindi kita mapapakinabangan bago kita isuling bangkay sa ama mo." sambit nito na nagpaalerto sa akin ngunit pansin ko din ang biglaang paghigpit ng lalakeng may hawak sa braso ko.

"Bring her to my room and tie her!" ibang boses na naman ang narinig ko at batay sa pagsasalita nito alam kong iba ang lahi nito.

Bigla akong nanginig. Natatakot ako na baka kung anong gawin nito sa akin.

Ilang segundo pang dumaan habang mahigpit pa rin akong hawak ng lalake sa braso ngunit sinunod din niya ang iniutos sa kanya.

"No. .please d-don't do this.. p-please h-help me." hikbi kong pakiusap sa kanya.

"Sorry." tanging sambit niya na lalong nagpatulo ng luha ko.

Nagpumiglas ako sa kanya ngunit mas lalo lang niyang hinihigpitan ang hawak niya sa braso ko.

Gusto kong lumaban. Gusto kong tumakbo palayo sa lugar na ito pero hindi ko maisip kung paano. Takot na takot ako ngayon dahil hindi ko maatim na mangyayari ito sa buhay ko. Tama nga si Ivory. Hindi ko sila kayang mag-isa.

"Please. .let me go." makaawa ko sa lalake kahit hindi ko man ito kilala ngunit nanatili siyang tahimik habang patuloy pa rin akong dinadala papunta sa hindi ko alam na lugar.

"Trust Rio, she'll gonna save you." bulong niya pa sa akin. Gusto kong mabuhayan ng loob pero sa isiping tinraydor na ako ni Ivory kanina ay lalong nagpawala sa pag-asa kong makaligtas sa masamang mangyayari sa akin sa mga oras na ito.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora