Part 39- Air to breathe

690 60 45
                                    


"Maraming salamat po."maikling sabi niya at ngumiti ng matamis sa naghihiyawang manonood at nag-bow siya sa harapan nila.

Binalik na niya ang mikropono sa host at tatabi na sana ng muli itong magsalita.

"Miss Park can you give some inspiring message to your avid fans."nakangiting request nang host na nagpahiyaw ulit sa mga audience. "See!" turo ng host sa mga tao sa harapan.. "they really admire you from the first day of the game."

Napangiti lang ulit si Blue at nahihiyang kinuha ulit ang mikropono. Mukhang mapapasubo siya sa gagawing speech niya.

Hawak ang mikropono sa kanang kamay ay napatingin siya sa mga tao sa harap. Nakalimutan niya pansamantala ang iniindang kirot sa braso niya.

"You don't have to be great to start, but you have to start to be great."paunang mensahe ni Blue..

Tahimik lang na nakikinig ang mga tao sa harap niya. Ngumiti siya sa harap at nagsalita ulit.

"To those who inspired to play billiards., just a simple advice.....never give up until the last ball falls." makahulugang sambit ni Blue.

"Hindi po talaga ako sanay na magsalita sa harap ng maraming tao."nahihiya at natatawang pag-amin ni Blue na ikinatawa din ng mga manonood..

"But.. I want to grab this moment to congratulate all players out there., Congratulations to all of us!!! We all deserved to be applauded.. We all deserved to be called a champion.. because despite in losing the game if you learn from your defeat, you haven't really lose at all. Thank you." nakangiting pahayag ni Blue na buong pusong pinalakpakan ng mga nanonood lalo na ang lahat na players ng kanya-kanyang schools na naroon sa hall.

"Thank you for the great message Miss Park.. and congrats."nakangiting bati ng host sa kanya pagkabalik niya ng mikropono dito.

Nag-thank you naman si Blue at nginitian pa niya ito bago umalis sa harapan. Sinalubong naman siya ng mga taga-hanga niya at doble ang pag-iingat niyang hindi nila masanggi ang kaliwang braso niya.

Sabay-sabay itong nag-congrats sa kanya at nagpahayag ng paghanga sa naging laro niya. May nagsasabi ding ang ganda niya na ikinaramdam niya ng hiya.

Bahagya siyang nakayuko at pilit na humahanap ng daan para makalabas ng hall ng may biglang humila sa kanang kamay niya at mabilis siyang inalalayan palabas ng hall at hindi niya alam kung saan sila pupunta. Hindi na niya nagawa pang tawagin si Isay na parang kandidatong nakikipag kamay sa mga tao katabi ni Kirsten.

Kung gaano ito kabilis na nadala siya ay ganoon din kabilis na nagbago ang tibok ng puso niya. Doble pa nga kung tutuusin.

Hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin dahil parang nawalan siya ng lakas ng loob na magtanong dito dulot ng nagkakarera niyang puso na kunting-kunti na lang ay aatakahin na siya.

Tahimik lang silang naglalakad habang nakasunod siya dito at buti na lang at kunti lang ang studyanteng nakatambay sa hallway.

Malayo-layo na din ang nalakad nila ng bigla itong huminto sa paglalakad na dahilan ng pagkabangga ng noo ni Blue sa dibdib nito dahil nakasunod lang siya dito habang hatak-hatak ang kanang kamay niya.

"Oh..so—sorry."mahina at nahihiyang sabi ni Blue na hindi makatingin sa mukha ni Mikael dahil sa pagkakalapit nila.

"Are you okay?"usisa ni Mikael habang pilit na tinitignan ang mukha niya.

"Ah-ahmm i.... I am okay." nauutal na sagot ni Blue na gustong kutusan ang sarili niya dahil sa pagka-utal na naman niya.

Mahinang natawa si Mikael at bahagya pang nilapit ang sarili kay Blue na dahilan ng pagsinghap at paglaki ng mata nito na nakatitig sa kanya.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu