Part 50- Let's talk

446 25 0
                                    


Dione pov:

"Where have you been?" tanong ko kay Blue pagkapasok niya sa room.

Napatingin muna siya sa mga babae naming kaklase bago ako sagutin..

"May kinausap lang ako." sambit niya tsaka bahagyang ngumiti sa kanila.

Napataas lang ang kilay nila Steph at nagpadyak lang ito ng paa na parang naiinis bago tumalikod.

"Tsk." sambit pa niya bago ako tignan..

"Kumusta pala? Nakwento ni Isay ang laban niyo kagabi. Okay lang ba kayo?" nag-aalalang tanong nito na nginitian ko lang.

"We're fine Blue." sagot ko. "Ikaw.. how about you?" tanong ko din dito..

Tumango lang siya sa akin bago ako muling tanungin. "Yung kotse ko pala?"

"Nasa talyer ng kakilala ko. Gusto mo puntahan natin mamaya para matignan mo?"

"Sige, mamaya na lang kapag vacant time na." sagot naman niya.

Napatango lang ako sa kanya at napasandal na din sa upuan ko.

Maaga akong pumasok ngayon at sinadya ko talaga siyang hintayin sa parking area.

Hindi ko aakalaing gagamitin na naman nila ang motor,  ang angas lang niyang tignan habang pumaparada siya at nagtanggal ng helmet.

Napag-usapan din namin ni Mikael na lihim siyang bantayan.

Sigurado na akong mga tauhan ng Underground organization ang naghahanap sa kanya noong nakaraan at tantiya ko ding may kinalaman din sila sa nangyari sa kanya noong Sports Fest.

Hindi ko masabi-sabi ito kay Mikael dahil ayokong madamay pa sila ng mga kaibigan ko. Iba ang mundo ng Underground dahil manganganib ang buhay nila kung mangingialam pa sila.

Nabanggit ng ama ko na nagkakagulo sa loob ng Underground. May gustong kumuha sa pwesto ng leader ng Mafia at palihim itong tinatraydor.

Gusto umano ng kabilang grupo na ipakilala ng leader ng mafia ang magmamana sa trono nito ngunit mahigpit niya itong inayawan.

Alam siguro ng Leader na manganganib lang ang buhay ng tagapagmana kung ipapakita niya pa ito doon. Ngunit ito ang tradition na pinapatupad ng Underground Organization.

Kailangan niya itong maipakilala sa lahat na kasapi dahil kung hindi, mawawala sa kanya ang kapangyarihan na pamunuan ang organisasyon.

Napapaisip pa rin ako sa mga sandaling ito kung bakit nadamay si Sabrina sa Organisasyon. May kaugnayan kaya siya dito?

"Hey girlfriend." sabay-sabay na bati ng tatlo maliban kay Mikael na nakatingin lang kay Blue.

Pansin ko ang pagnguso ni Blue sa kanya at pag-iwas niya ng tingin.

"H-hi.. Hihi." baling nito sa tatlo.

"Are you okay?" kaagad na tanong ni Miguel sa kanya bago ito umupo sa sa tabi niya.

"Hmmm." tanging sagot lang ni Blue ngunit pansin ko ang bahagyang pagsulyap niya kay Mikael na nakatayo pa rin sa harap niya.

"W—what?" hindi na niya natiis ang magtanong. Napailing lang si Mikael sa kanya at seryosong umupo sa upuan nito.

"Astig mo kagabi ah." puri ni Czero sa kanya.

"Pero bakit magkakilala kayo ni Bartolome?" tanong ni Jeric kaya napatingin na din ako sa kanya.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon