Part 59- Leaving them

366 18 0
                                    



Isay points of view:

"B-blue.." pigil ko kay Blue ng nag-umpisa na siyang maglakad paalis sa kinauupuan namin. Pero nalungkot na lang ako ng hindi man lang niya kami nilingon.

"B-blue - -

"Isay hayaan na muna natin siya." pigil ni Kirsten sa akin.

"H-hindi pwedi K.. Hindi ko siya pweding hayaan.. b-baka.. baka iiwan na naman niya ako." naiiyak kong sambit kay K.

"Isay huwag kang mag-isip ng ganyan. Hindi niya gagawin sa atin yan." malumanay niyang sabi. "Babalik siya, diba nga may performance pa tayo sa susunod na linggo." dagdag niya.

Napayuko ako at muling napaupo sa inukupa kong upuan kanina.

"Hindi eh., hindi mo ko naiintindihan K." mahina akong napahikbi bago muling nagsalita. "A-alam mo bang ganoon ang hitsura niya ng mamatay ang Mama niya. Ganoon din ang hitsura niya noong huli kaming magkausap bago siya umalis papuntang Korea."

"Isay."

"Nalulungkot ako na baka bumalik na naman siya sa dati.. na baka mang-iwan na naman siya." peke akong natawa. "Andun na eh, a-alam kong makakalimutan na niya ang malungkot na nangyari noon. Alam ko ring nag-uumpisa nang maging masaya ang buhay niya pero... pero may problema na naman siya at nanganganib pa ang buhay niya." naluluha kong saad.

"Magiging okay din ang lahat Isay. Ayoko din namang maiwan ni Blue dahil kayo ang una kong naging kaibigan dito. Magtiwala na lang tayo sa kanya. Baka din may plano siya kaya umalis muna siya ngayon." tinapik niya ang balikat ko bago muna magsalita. "Huwag na tayong masyadong malungkot, sure akong ayaw ni Blue na ganoon ang maramdaman natin."

Pilit na lang akong napatango sa kanya pero hindi pa rin maalis ang lungkot na nararamdaman ko.

Dumating ang apat na Dark Knights at nakiupo din sa pwesto namin.

"What really happened Isabela?" tanong kaagad ni Dione. Bakas pa sa mukha niya ang pag-aalala.

Napahinga muna ako ng malalim bago sila balingan.

"Naalala niyo 'yung naghanap kay Blue dati diyan sa parking lot?" tanong ko na kunot-noo nilang tinanguan.

"What?" gulat na sambit ni K. Hindi niya pa pala alam ang pangyayaring iyon.

Muli kong tinignan ang apat na Dark Knights na ngayon ay seryoso ng naghihintay ng sasabihin ko.

"Kanina habang papunta kami ni Kirsten dito sa Academy, m-may itim na sasakyan ang humahabol sa amin."

"What?!" gulat na sambit ni Miguel. Gusto ko sanang kiligin dahil bakas sa mukha niya ang pag-aalala pero hindi ito ang tamang oras para sa kalandian ko.

"What the heck?!" napasandal na sambit naman ni Jeric.

"Are you alright?!" tanong ni Czero kay Kirsten na kung sa ibang pagkakataon lang nangyari ito ay kinulit ko na itong si K. Tumango lang si K sa kanya.

Napatingin sila sa akin kaya nagsalita akong muli.

"Nung una akala namin nanti-trip lang, na baka stalker lang ganun.. hanggang sa pilit na nila kaming gitgitin at doon ko nasiguradong gusto nila kaming kunin.. pero- -." napakagat ako sa labi ko. Hindi ko alam kong kelangan ko pang sabihin sa kanila ang tungkol sa sinabi ni Blue.

"Please Isabela let us know what's happening. Where friends, right? Nag-aalala din kami sa inyo.." mahabang pahayag ni Dione. Niloloko ko na sana ito kung sa nasa ibang sitwasyon lang talaga kami ngayon.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now