Part 65- Let's play

323 20 1
                                    



Blue points of view

"Let's play." nakangising sambit ni Ivory bago pumasok sa loob.

Nangunot lang ang noo ko sa sinabi niya ngunit sinundan ko din siya papasok sa loob.

May kinausap siyang lalake na sa tingin ko ay nagtatrabaho dito sa firing range. Tahimik ko lang silang pinagmamasdan hanggang sa sumenyas na siya sa akin na lumapit sa kanya.

Base sa nakikita ko ngayon may indoor at outdoor training ang facility na ito sa gun shooting range.

"Let's play Blue. Kung sino ang may maraming tama sa noo ng target siyang panalo." nakangising sambit ni Ivory.

Ngumisi lang din ako sa kanya. Sinuot ko na ang safety gear ko tsaka ako inabutan ng baril ng lalakeng nagtatrabaho sa pasilidad.

"Call." tanggap ko sa hamon niya. "Pero dapat may consequence ang matatalo." nakangising sambit ko sa kanya na tinaasan lang niya ng kilay bago muling nagsalita.

"Confident ah.. okay, let see kung sinong mananalo. Goodluck." mapang-asar niyang sambit bago seryosong bumaling sa harapang target.

"I can win." buong kompiyansa kong sabi ulit sa kanya na ikinalingon na naman niya sa akin.

"In your dreams." bored niyang sabi na ikinangisi ko ulit sa kanya.

"I'm wide awake Ivory at sigurado akong mananalo ako laban sayo." pang-inis ko na naman sa kanya. It's payback time, ako naman ngayon ang babawi sa kanya.

"Tsk! Walang nagagawa ang yabang Blue, talunin mo muna ako bago mo sabihin yan." sambit na naman niya.

"Okay. Pusta ko na lahat para dito Ivory." natatawa ko pang sagot sa kanya. Inirapan niya muna ako tsaka binalik ang paningin sa harap. Asar talo din pala ang isang to.

Pumagitna sa amin ni Ivory ang lalakeng nagtatrabaho sa training facility na ito na siyang magbibigay ng signal dahil napagpasyahan naming sabay kaming magpapaputok ng tig-tatlong bala papunta sa target.

Kapwa na kami naghanda at kahit hindi ko na siya balingan ng tingin alam kong katulad ko ay seryoso na din siyang nakatingin sa target.

"Ready, set, fire!" hudyat ng lalake at sabay naming pinaputukan ang target.

Isa.

Dalawa.

Tatlong putok.

Sabay din naming tinanggal ang goggles at headset na nakakabit sa amin tsaka tumingin sa target na papalapit.

Napangisi na lang ako ng makitang may isang butas lang ang target ko at sentro ito sa noo.

"Paano ba yan Blue, panalo ako." natatawang sambit ni Ivory na nginisian ko lang din.

"Baka ako ang panalo at hindi ikaw." balik kong sabi sa kanya tsaka pinakita ang target ko.

Pinakita niya din sa akin ang target niya at kapwa na lang kami nagtaas ng kilay dahil parehong-pareho ang butas sa mga target namin.

"Let's go outdoor." yaya niya sa akin na sinunod ko din. Pareho kaming ayaw magpatalo kaya sa labas kami magkakaalamanan.

Malayo ang distansya ng bawat target sa outdoor shooting range. Mahirap pang makatama dahil na din sa hangin na nagdadala din ng alikabok.

May nakahanda ng maliliit na lata na may layong 30 meters mula sa kinatatayuan namin na magiging target namin.

"I will win this time Blue." buong kompyansang sambit na naman ni Ivory na inungusan ko lang.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now