Part 104 - Saving Top 2

209 13 0
                                    


Ivory points of view:

"Who the fuck are you?!" sigaw sa akin ng isang dayuhang lalake ng bigla ko silang paulanan ng bala ng matunton ko na ang kinalalagyan ni Top. Nakuha ko ang baril na ito doon sa nakalaban kong lalake habang papunta sa yateng ito.

Napatingin naman ako sa dayuhan. Base sa hitsura niya, malakas ang kutob ko na siya na ang boss ng secret organization na kumakalaban sa UO at Dark Society.

Hindi ko naisip na halos ka-edaran lang pala ni Top ang isang 'to.

"R-rio." napalingon ako sa mahinang tawag ni Top sa pangalan ko habang nakahandusay na ang bugbog sarado niyang katawan sa sahig.

Mariin ko naman siyang tinignan. Paano niya ako nakilala samantalang nakapang-disguise ako ngayon at may suot pang itim na maskara?

"Tsk!" baling ko na lang sa kanya. Hindi ko inakalang ganito lang siya kahina.

Napatingin ako sa dayuhang lalake na kung hindi ako nagkakamali, siya si Mr. Kwon.

Malakas niyang kinasa ang mahaba niyang baril at walang sabi-sabing pinaulanan din ako ng bala. Mabilis naman akong tumakbo upang magtago sa poste nitong yate. Malaki ang yateng ito kaya makakapal ang poste at pader na nakalagay din dito.

"Damn it! What organization are you from?!" galit pa rin niyang tanong habang hindi pa rin tinitigilan ang pagpapaputok ng baril sa direksyon ko.

"Boss parating na ang mga pulis." saad naman sa kanya ng isa niyang tauhan kaya napakunot ang noo ko.

Mga pulis? At marunong pala ang dayuhang ito na makaintindi ng salitang tagalog. Tsk!

"Start the engine.. we need to get out of here, now!" utos naman ni Mr. Kwon sa lalake. Mabilis naman itong umalis at sa ilang minuto lang ay umaandar na nga ang yate.

Napatingin naman ako sa paligid. Iilan na lang ang natira niyang tauhan dahil natamaan ko ang iba kanina kaya kaya ko pa rin lumaban sa kanila.

Mariin kong hinawakan ang baril ko at muli na namang barilin ang pwesto ni Mr. Kwon ngunit mabilis lang din itong gumanti ng pagpapaputok sa direksyon ko.

"na-ege dangsin-ui eolgul-eul boyeo.. Stupid! Show me your face!" galit nitong sigaw gamit ang ibang lengwaheng sa pagkakaintindi ko ay isa din siyang korean na katulad ni Blue.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya, sa halip ay iniisa-isa kong pinatumba ang mga natirang tauhan niya hanggang siya nalang ang nanatiling nakatayo mula sa pwesto niya.

"GODDAMN IT! Ang hihina ninyo." bulyaw niya pa sa mga tauhan niya bago galit na bumaling sa akin.

"I'll kill you!" seryoso pa niyang saad bago malakas na sinipa ang mga gamit na nakaharang sa daraanan niya at sa isang iglap ay napuntahan niya ang kinaroroonan ko.

Mabilis ko namang tinutok ang baril sa kanya ngunit mabilis niya lang din itong nasalag kaya tumilapon ito sa sahig.

Sa bilis ng mga galaw niya, huli ko nang namalayan na sakal-sakal na pala niya ang leeg ko. Halos mapaangat na ako dahil sa tangkad niya.

Malakas kong hinawakan ang mga kamay niya sa leeg ko ngunit hindi ko man lang ito magawang tanggalin.

Nahihirapan na akong huminga ngunit mas lalo pa niyang hinihigpitan ang pagkakasakal niya sa akin.

Napabaling ako kay Top ng mapansin ko siyang nagpilit na tumayo. Nanghihina siyang naglakad papunta sa pwesto namin. Pinulot pa niya ang isang paa ng mesang nasira at malakas niyang pinalo si Mr. Kwon sa ulunan nito na ikinaluwag ng pagkakahawak nito sa leeg ko.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now