Part 58- Sorry

380 22 1
                                    



Blue points of view:

"What really happened Lorraine?" usisa sa akin ni Mikael habang naglalakad na kami papunta sa room.

Napabuntong hininga lang akong yumuko. Katulad ng dati, ayoko pa rin silang madamay sa mga nangyayari sa buhay ko dahil hindi ko pa rin ito maintindihan hanggang sa ngayon.

"Blue please talk to us. Kanina pa ako nag-aalala sayo. Bakit bigla ka na lang umalis kanina doon sa auto shop? May nangyari ba?" si Dione naman ang nagsalita.

Umiling lang ako sa kanila at nagpatuloy pa ring maglakad.

Natigil na lang ako sa paghakbang ng hawakan ako ni Mikael sa pala-pulsuhan at pilit niya akong pinapaharap sa kanya.

"Lorraine baby please sabihin mo naman kung anong problema mo. I'm so worried about you." nanghihina niyang sambit.

Hawak na niya ang dalawang balikat ko. Hindi ko siya matignan sa mata dahil baka tuluyan ng bumuhos ang luha ko dahil sa gulo ng isip ko ngayon.

Bumuntong hininga muna ako bago magsalita.
"Please Mikael.. hayaan mo muna ako. Hindi ko pa alam kung anong tamang gawin sa mga oras na 'to." sambit ko habang nakalihis pa rin ang paningin ko sa kanya. "Natatakot ako.. naiinis din ako dahil hindi ko maintindihan." napalunok muna ako bago nagsalitang muli. "P-Pakiramdam ko ang dami kong hindi alam. Nahihirapan na akong mag-isip. Hindi ko na din alam kung ano bang dapat kong maramdaman sa..."

"Shh.. baby it's okay.." putol niya sa sasabihin ko pa.. "everything's gonna be alright Lorraine." nag-aalalang dagdag niya habang mabilis akong niyakap. "I can help you baby.. we can help you."

Ilang beses akong napalunok habang nakakuyom ang dalawang kamay ko. Kagat-labi akong napatingala upang hindi lang mahulog ang luhang kanina ko pa pinipigilang tumulo. Luhang hindi dahil sa kalungkutan kundi dahil sa inis at gulo ng isip ko. Ang hirap ng walang alam.

"Nakakainis.. naiinis ako dahil wala akong ibang magawa ngayon kundi ang makaramdam ng kaba."
Pakiramdam ko parang sasabog ang utak at puso ko. Ngayon pa lang ay natatakot na ako sa mga posibilidad na mangyayari, na baka maulit pa ang masamang nangyari sa mga kaibigan ko. Na baka pati sila ay madamay pa.

"Takot akong mag-isip ng dahilan kahit alam kong may ideya na ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon pero ayaw ko lang tanggapin ang mga bagay na 'yun." Gumugulo din sa utak ko ang mga bagay tungkol kay Papa. Simula ng may naghanap sa akin, alam kong may naiisip na akong dahilan pero ayaw ko lang itong pagtuonan ng pansin.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang pisngi upang maharap sa kanya.

"I'm always here Lorraine.. andito lang ako lage para sayo. Kahit hindi mo masabi sa ngayon kung ano talagang nangyayari, okay lang yun.. okay lang sa akin kahit wala pa akong alam basta malaman mo lang na may masasandalan ka sa tuwing magulo ang isip mo., sa tuwing nahihirapan ka, sa tuwing nasasaktan ka dahil mahal na mahal kita." mapungay ang mata niyang sambit na nagbigay ng kakaibang tibok na naman sa puso ko.

Tuluyang tumulo ang nagbabadya kong mga luha kanina ngunit kaagad niya din itong pinunasan gamit ang dalawang hinlalaki niya.

"Hush baby.." masuyo niya pang pagpapatahan sa akin at niyakap akong muli.

Nakatingin lang din si Dione sa amin. Mahina pa nitong tinatawag ang pangalan ko at kita ko sa ekpresyon ng mukha niya ang pag-aalala din sa akin.

Pilit ko mang bigyan siya ng ngiti pero hindi ko iyon magawa sa ngayon.

Ilang minuto din akong yakap ni Mikael at pasalamat na lang ako dahil kaming tatlo na lang ang nasa labas ng room.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon