Part 67- It's you

329 19 3
                                    



Isay points of view:

"Are you okay?" tanong ni Miguel sa akin habang nakaupo kami dito sa music room ng mga Dark Knights.

Tahimik lang akong umiling sa kanya. Hindi ako okay. Nakita niya kasi akong pinagdidiskitahan na naman ng mga Queen B kanina sa cafeteria. Mag-isa lang ako dahil wala si Kirsten. May inaasikaso kasi ang mga student counsel para sa music festival dalawang araw mula ngayon.

Namimiss ko na si Blue. Ilang araw na din siyang hindi pumapasok at naiiyak ako kapag naiisip na iniiwasan na nga niya talaga kami. Ayaw na niya akong kasama. Iniwan na naman niya ako.

Napatingin na lang ako kay Miguel ng hinawakan nito ang pisnge ko.

"Your crying." nag-aalalang sambit nito na lalong nagpahagulhol sa akin. "H-hey Isabela.." taranta pa nitong tawag sa akin ng hindi alam kung anong gagawin niya sa biglaang paglakas ng iyak ko.

He then suddenly hug me. Humagulhol ulit ako sa dibdib niya habang bahagya niyang tinatapik ang likod ko. Kung nasa ibang sitwasyon lang kami ngayon, baka naglumpasay na ako sa kilig.

"Hush Isabela hmmm?" malumanay niyang pagpapatigil sa akin. "-don't worry I already talk to those bullies, hindi ka na nila ulit masasaktan okay?" dagdag pa niya.

Tumango lang ako sa kanya kahit ang totoo hindi naman dahil sa kanila kaya ako umiiyak ngayon. Miss ko na si Blue kaya ako malungkot.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at may dinukot sa bulsa niya.

Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang panyong siyang kinuha niya pala sa bulsa niya.

"Don't cry again Isabela, sadness doesn't suit your pretty face, hmm." sambit niya at bahagyang natawa.

Ramdam ko ang unti-unting pag-init ng mukha ko at ang kaninang malungkot na tibok ng puso ko ay napalitan ng kaba. Potcha. Lalo akong nainlab sa kanya.

Matangkad si Miguel sa akin. Hanggang balikat lang ako nito kaya nakatingala ko siyang tinitignan ngayon. Gustuhin ko mang mag-iwas ng tingin ngunit wari hindi ko magawa dahil parang nahihipnotismo ako sa ngiti niya.

"Smile Isabela." sambit pa ulit nito ngunit tulala ko pa rin siyang tinitignan.

Naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa gilid ng labi ko at parang giniya niya pa ito upang mapangiti lang ako.

"There.." saad niya ng nakita niyang ngumiti ako. "-you have a beautiful smile Isa." nakangiting dagdag nito na halos nagpalukso sa puso ko. Aatakihin na ata ako. Tabang mga langit!

"A-ah, huh.. s-salamat." parang timang kong sabi sa kanya. Nanginginig pa ang boses ko dahil sa lakas ng pintig ng puso ko. Jusmeyo! Nakalimutan ko tuloy na umiiyak pala ako kani-kanina lang.

"I-ikaw din Miguel, nakaka-inlab este ang gwapo mo ding ngumiti. Hihi." sambit ko kapagkuwan na tinawanan lang niya.

"I know right." natatawang sabi naman niya na tinanguan ko lang. Tama naman siya, dapat alam na niyang gwapo talaga siya lalo na kapag ngumingiti siya.

Ngunit lalo pa siyang natawa sa ginawa kong pagtango.

"I'm just kidding Isabela, bakit ka tumango? Hahahaha." natutuwa talaga niyang sabi.

"Totoo naman kasing gwapo ka pati na din ang mga ngiti mo." Yieee. nakangiting saad ko dito.

Napailing lang ito sa akin at bahagya pa ring natatawa.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon