Part 55- Issue

379 22 2
                                    



Kinabukasan, bumungad kaagad sa akin ang gwapong mukha ni Mikael pagdating namin ng parking area ni Isay.

Motor pa rin ang sinakyan namin papasok kaya medyo nailang ako sa ayos ko ng makita ang lalakeng lihim na nagpapaganda ng araw ko ngayon.

"Good morning baby." malambing nitong bati habang inaabot ang isang tangkay na asul na rosas kasama ang stuff toy na korteng letrang  I.

"Hmmmmm." Napalingon na lang ako sa pa-epal na pagtikhim ni Isay. "Edi sanaol." sambit pa nito bago sumenyas sa akin para mauna na siyang pumasok sa loob ng Academy.

Inikutan ko naman siya ng mata. Mas kinikilig pa kasi ata ang loka. Inaagawan niya pa ako ng eksena.

"Goodmorning." nahihiya kong bati kay Mikael habang inaabot ang bigay niya.

Nakangiti lang siyang pailalim na nakatingin sa akin. Bahagya kasi akong nakayuko dahil ang aga-aga ramdam ko na kaagad ang pag-iinit ng mga pisnge ko.

"Cute." mahina pa siyang tumawa habang tinataas na niya ang baba ko gamit ang hintuturo niya.

"I love you babe." malambing niyang sabi na  di ko na mapigilang ngitian. Amporkchop umaapaw na sa kilig ang puso ko.

Hinigit niya ako palapit sa kanya upang halikan ang noo ko.

Mabilis naman akong napalayo sa kanya habang tinitignan pa ang paligid at baka may makakita sa ginawa niya.

Napasimangot ako sa mahinang tawa niya. Takte! Baka ma-issue pa kami nito.

"Relax.. it's fine kahit may makakita man sa atin." natatawang sabi niya na lalo kong ikinasimangot.

"Mikael nasa school kaya tayo." tutol ko.

"Haha.. okay fine. Sa ibang lugar na lang kita hahalikan but holding hands are fine, right?" napailing na lang ako sa pamimilit niya.

Wala na din akong magawa ng hawakan niya ang kamay ko papasok ng paaralan. Halos lahat na nadadaanan naming studyante nakatingin sa magkahawak naming kamay. Rinig ko pa ang bulungan nila tungkol sa aming dalawa ni Mikael. Tsk. Sabi na eh, ISSUE..

Isang araw lang ang dumaan pero kalat na kaagad sa buong Academy ang tungkol sa amin ni Mikael.

May ibang natuwa pero madami ang nainis unang una na sa listahan ang mga Queen B.

"Bitch! Such a whore." parinig ni Stephanie habang nasa loob kami ng cafeteria.

Hindi ko na lang pinansin dahil sarili naman ata niya ang nilalarawan niya.

"Kapal ng mukha, di man lang nahiya." tatawa tawang sabi ni Bianca habang sa kinauupuan ko pa rin siya nakatingin.

"Pigilan mo ko Blue baka masungalngal ko ang mabahong bibig ng mga bubuyog na yan." inis na sambit ni Isay.

Nginitian ko lang siya upang manahimik. Magsasayang lang kami ng oras kung papatulan pa namin ang mga iyon.

Matapos naming kumain, niyaya ko na silang lumabas ng cafeteria ngunit gusto talagang magpapansin ng mga bitchesang ito.

"Oh.. please give a round of applause to the group of idiot bitches." malakas na sabi ni Steph na tinawanan naman ng mga kasama niya.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora