Part 23- Encounter

957 76 50
                                    


Dark Knights:

3rd person pov:

"Hello bro.. sa hide out tayo, pakisabi sa iba." wika ni Mikael sa telepono habang kausap si Jeric.

'Copy that boss..'sagot ni Jeric sa kabilang telepono.

Pagkatapos nilang maihatid si Blue sa pamamagitan ng pagsunod nila sa sasakyan nito ay napag desisyonan ni Mikael na makipagkita sa mga kasama upang mapag-usapan ang nangyari kanina.

Halos sabay-sabay lang silang dumating sa kanilang hide-out at napag desisyonan nilang uminom ng kunti. Kapwa hindi sila maka move on sa nangyari kanina sa parking lot at mas nakadagdag pa sa kanilang alalahanin ang ginawa ni Blue.

"I can't believe Sabrina could easily do that stunt earlier."nakatulalang wika ni Czero.

"Yeah that was so close. Paano nalang kung naunahan siyang barilin nung lalake kanina." di makapaniwalang sabi ni Jeric.

Napabuntong hininga na lang silang lima.

Habang iniinom ni Dione ang alak sa kanyang baso ay inaalala niya ang naganap kanina. Parang nagrerewind lang sa kanyang alaala ang mabilis na pag-agaw ng baril na ginawa ni Blue kanina. Napapangiti na lang siya sa pagkamangha. She's so cool. I think i already like her.sabi niya sa isip niya.

"Hey bro.. nakatulala ka na naman niyan. Kanina pa kita kinakausap."untag ni Czero kay Dione.

"What?"takang tanong niya. Nakatulala na pala siya dahil sa pag-iisip kay Blue.

"Tulala ka. Ano bang iniisip mo? Kanina pa kita tinatanong."sabi ni Czero.

"Wala."naiiling na sabi ni Dione na may ngiti sa labi. Dahil kay Blue ay natutulala siya ng ganito kaya di niya maiwasang mapangiti.

"Eh ba't ka nakangiti? Once in a blue moon ko lang ata nakikita ang ngiting yan sa mukha mo."pangungulit pa nito.

"Mind your own business de la Cruz." naiiling na lang nyang sabi. Di talaga titigil sa pangungulit ang isang to hanggat di nakakasagap ng tsismis.

"Bakit kaya hinahanap ng mga lalakeng 'yon si Sabrina?"takang tanong naman ni Miguel.

"We don't really know at sa palagay ko hindi din alam ni Sabrina kung bakit siya hinahanap ng mga 'yun.?"sabi ni Mikael.

"Sa totoo lang mga bro ang daming tanong sa isip ko ngayon tungkol sa nangyari kanina."singit naman ni Czero.

"For, what the fck ang bilis ng galaw niyang pag-agaw ng baril kanina, parang bihasa na siyang humawak at gumamit nun. Tapos yung mukha niya kanina bro,. Shit.. parang di naman siya natakot. Wala ngang emosyong makikita eh. Parang ibang Sabrina ang kasama natin kanina." halos hestirikal na sabi ni Czero.

"Yeah.. parang iba nga. Madami pa talaga tayong hindi alam sa buhay ni Sabrina. Napapaisip tuloy ako ngayon tungkol dun sa biro ni Isay sa kanya na baka gangster siya." napapaisip na sabi ni Jeric habang nakalagay pa ang dalawang daliri sa baba niya.

"But she told earlier that she's not a gangster." wika ni Dione.

"Yeah. I think hindi siya gangster. But the fact that she can do that kind of dangerous stunt kanina. Ano kaya siya?"sabi ni Miguel.

"Maybe she undergoes training, what do you think?"sabi ni Czero.

Napaisip ang lima kung ano ang paniniwalaan nila.

"I think we should ask her."pinalidad ni Mikael.

"Hindi tayo pweding mag-isip ng kung ano-ano lang tungkol kay Sabrina because I know mahalaga na din siya sa inyo tulad ng mahalaga na din siya sa akin."sabi ni Mikael.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Место, где живут истории. Откройте их для себя