Part 79- Carrier

316 20 0
                                    



Blue points of view:

Medyo may kadiliman na ang paligid ng magising ulit ako. Gabi na din siguro.

Napahawak ako sa ulo ko ng maalala ko ang sobrang pagkirot nito kanina. Medyo humupa na din kahit papaano ang sakit.

"Hey.. m-may masakit ba?" napatingin ako sa nagsalita. Hindi ko man lang siya napansing nakalapit na pala sa akin.

"J-john.." mahinang tawag ko dito. "g-gusto kong uminom.."

Tumango lang siya sa akin tsaka lumapit sa maliit na lamesa upang kuhaan ako ng tubig.

Inalalayan niya akong mapasandal ng upo sa headboard ng hospital bed bago nito marahang pinainom sa akin ang tubig na nasa baso.

"Thank you." pasalamat ko dito pagkatapos.

"Okay ka na ba? What else do you want? ..you want to eat? may masakit ba sayo? ..yung ulo mo? is it still hurts?" sunod-sunod ang pag-aalala nitong tanong sa akin.

Bahagya lang akong napangiti sa pagkataranta niya.

"I'm fine now John.. don't worry too much, okay?" nakangiti kong sambit sa kanya.

"You made me so worried Blue.. halos mawalan na ako ng bait dahil sa pag-aalala sayo. I'm so sorry kung natagalan kaming puntahan ka.. kung sanang.. mas binilisan pa namin ay baka hindi ka na sana napahamak pa." puno ng pagsisisi niyang pahayag.

Napatingin lang ako sa kanya. Hindi ko pa pala alam kung paano nila akong napuntahan sa lugar sa iyon.

"P-paano niyo nalamang nandoon ako?" nagtataka kong tanong na ikinaiwas niya ng tingin sa akin.

"I'm so sorry Blue.. I'm sorry." nahihiya niyang sambit na ipinagtaka ko pa rin.

"Why? Bakit ka nagsosorry John? Dapat pa nga ako ang humingi ng tawad dahil sa nagawa ko kanina." nahihiya ko ding sabi sa kanya. I hurt them., I hurt Mikael.

"I-it's my father's fault Blue kaya ka nakuha ng Dark Society." nakayuko niya pa ring amin. "My father betrayed the organization para lang maligtas ang buhay ng pamilya namin. I-ikaw ang ginamit ni Dad upang maligtas lang kami." dagdag niya pa. Nanatili pa rin siyang nakayuko at pansin ko ang bahagyang pagyugyog ng balikat niya. "I'm so sorry B-blue.. sobra akong nahihiya sayo ngayon dahil sa ginawa ng magulang ko. Wala na akong karapatan para maging kaibigan mo pa dahil sa bigat ng kasalanan ni Dad."

"John." putol ko sa sinabi niya.

Humarap siya sa akin habang tumutulo pa rin ang luha sa mga mata niya.

"You're important to me Blue.. Special ka dito sa puso ko.. ..dahil ikaw ang kauna-unahang babaeng.." napahugot muna siya ng malalim na hininga bago nagsalitang mula. "..naging kaibigan ko." bahagya pa siyang napailing sa sinabi niya. Tumingin siya sa mga mata ko at muling nagsalita. "Kaya hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil sa nangyari sayo ngayon."

"O-okay na ako John kaya huwag mo ng sisihin ang sarili mo." sambit ko dito na inilingan pa rin niya.

"You've been injected by the dievil drug Blue. I'm afraid na baka masama ang magiging epekto nito sayo." nag-aalala niya pa ring sambit.

"I'm fine and still alive John. Thank you for coming to save me baka kung hindi ka dumating ay wala na ako dito ngayon." pasasalamat ko dito. May mali man ang ama niya ngunit nagawa naman niya akong maligtas laban sa mga taong iyon.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now