Part 4

1.3K 106 86
                                    



Goodbye

"Apo tulala ka na naman diyan. Naiisip mo na naman ba ang Mama mo?"tanong ni lola sa akin.

Tumango lang ako sa kanya.

Tulala na naman kasi ako dito sa hardin. Araw-araw akong ganito. Di ko na nga mabilang kung ilang araw na akong wala pa rin sa sarili.

"Gusto ko pong dalawin si Mama." paalam ko kay lola. Ilang araw na din kasi akong di na nakadalaw sa kanya.

"Sige lang apo. Pero bago ka pumunta sa Mama mo may sasabihin muna ako sayo."seryoso niyang sabi.

"Ano po iyon?" tanong ko sa kanya.

"Napag-desisyonan namin ng iyong ama na dadalhin kita sa Korea at doon ka na muna mag-aral. Malapit na ang pasukan iha at makakabuti sayo kung lalayo ka muna sa lugar na nagpapaalala sayo ng mga malulungkot na bagay." mahaba niyang salaysay.

"Pero ayaw ko pong iwan si Mama dito la. Malayo po ang Korea." tutol ko sa sinabi niya.

"Apo para sa kapakanan mo din itong ginagawa namin. Nangangayayat ka na at di na din maganda ang kalusugan mo. Lagi ka na lang nagkukulong sa kwarto mo at tulala naman kapag nandito ka sa hardin." nag-aalala niya pa ring sabi.

Wala akong imik na nakatingin kay lola. Ayaw ko talagang iwanan si mama.

"Sige na iha, pumayag ka na. Siguro babalik din naman tayo dito kapag maayos ka na at naka move on ka na sa pagkawala ng mama mo pero sa ngayon dadalhin ka muna namin sa korea." dagdag pa niya pero malaki pa rin ang pagtutol ko sa gusto nila.

"Gusto ko po munang bisitahin si mama." sabi ko na lang sa kanya. Gusto kong pag-isipan muna ang desisyon ko.

"Sige apo at ng makapag paalam ka na din sa mama mo." patuloy pa ring pilit ni Lola.

Pilit na lang akong napatango sa kanya kahit ang totoo ay hindi ko pa rin alam ang magiging desisyon ko.

Pumunta ako sa puntod ni mama dala ang gitara ko.


Nakaupo ako ngayon habang pinagmamasdan ang pangalan nakaukit sa puntod ni mama. 'Rina S. Gonzales'.

"Mama miss na miss na po kita."
"Gusto niyo pong kantahan kita Ma?" malambing kong sambit para mabawasan man lang ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Pinunasan ko muna ang aking luha bago ko patugtugin ang gitara ko.

Can you hear me?

I'm crying for a long time
Because i can't see your heart
I'm standing here right in front of you
Why you never see

Can you hear me?
Don't you know that my heart already desperate?
My hearts hurts everyday
I just put it in my heart and live like this everyday
I live quietly without saying anything
I don't have an answer even if you call me crazy
I live here without you so far now

My feeling is still towards you
My longing for you never stopped
I hope someday you will look back at me
I want to tell you something

Even if my heart always hurts
Somewhere in my heart saying I love you
I turn around without knowing my heart
You live like this in my heart
I know that you'll get hurt while I live
I love you, the worlds I confess to you
Along with tears
I'll be here and I will always in here

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now