Part 76- Dievil Drugs

322 21 0
                                    



3rd person p.o.v

Pilit nilalayo ni Blue ang katawan niya laban sa lalakeng gustong pagsamantalahan siya. Ngunit sa tuwing lumalaban siya dito ay sampal naman at suntok sa sikmura ang nakukuha niya.

Halos mawalan na siya ng malay dahil sa sakit ng pagkakasikmura nito sa kanya hanggang maisip ng lalakeng turukan siya ng droga na tanging sila lang ang may ganoong gamot.

Ang drogang iyon ay may kakayahang baguhin ang ugali, isipan at kakayahan ng isang tao ngunit kapag hindi ito makayanan ng katawan ng kung sino mang tinurukan ay maaaring manganib ang buhay nito na hahantong pa sa kamatayan.

Dievil Drugs kung tawagin ang gamot na iyon na sikretong pinag-aaralan at ginagawa ng mga doctor ng Dark Society at isa na dito si Dr. Hiroshi na siyang lalakeng gustong pagsamantalahan si Blue ngayon.

Si Doctor Hiroshi ay isang oncologists na pinag-aaralan din ang paggawa ng special na gamot na tinawag niyang dievil drugs. Ang drugs na ito ay may kakayahang baguhin ang isipan ng tao. Magagawa niyang manipulahin ang kung sino mang naturukan ng drugs. Plano ni Dr. Hiroshi na gawing human weapon ang mga taong na-inject ng naturang drugs at isa na si Blue sa mga taong iyon.

Lingid sa kaalaman ng nakararami, naghahanap ng may malalakas na immune system at matatalinong kabataan ang sekritong organisasyon upang pag-aralan at gamitin ang droga sa mga ito.

Lumapit si Dr. Hiroshi sa isang secret vault at tinipa ang code nito. Kinuha nito ang isang injection at isang maliit na vial na naglalaman ng diveil drugs na plano nitong ituturok kay Blue.

Nakangisi itong lumapit ulit sa kinatatayuan ni Blue na ngayon ay nakayuko na habang hinahabol pa rin ang hininga.

"P-please don't touch me." garalgal na pakiusap ni Blue sa doctor ngunit hindi man lang ito pinakinggan.

"You will love this bitch!" natutuwa nitong saad habang tuluyan ng tinurok ang droga kay Blue.

Nakaramdam ng panghihina si Blue. Hindi niya maintindihan ang init na unti-unting lumulukob sa katawan niya.

"A-anong ginawa mo?" nanghihina niyang tanong na nginisihan lang ng lalake. Tuwang-tuwa ito sa nakikita niyang resulta dahil katulad ng ilang naunang naturukan ng drogang iyon ay nakayanan din niya ang epekto nito. Iilan lang ang kagaya ni Blue na may kakayahang labanan ang epekto ng drogang ito.

Alam kasi ni Mr. Hiroshi na sa loob lamang ng isang segundong pagkaka-inject ng drogang iyon sa tao agad na itong eepekto na kapag hindi kayanin ng katawan lalo na ang isipan ng tao ay agad din itong mamamatay.

"I will send you to paradise my slave." masayang sambit nito bago pa man umpisahang hawakan ang katawan ni Blue.

"No! P-please maawa ka. H-huwag!" nagawa pang magpumiglas si Blue ngunit unti-unti ng nanghihina ang katawan niya. Ilang minuto na lang ay alam niyang mawawalan na siya ng malay.

Nakangising sinimulang suriin ni Mr. Hiroshi ang katawan ni Blue upang makita nito ang naging epekto ng droga ngunit bago pa man niya ito magawa isang pagkasa ng baril ang narinig nito mula sa likod niya.

Napakunot naman ang noo niya at
unti-unti niya itong hinarap. Tiim-bagang naman siyang tinignan ng taong iyon.

"YOU FUCKING ASSHOLE! WHAT'S THE MEANING OF THIS?!" galit nitong sita sa lalake.

"Give me the formula!" tahasan nitong saad habang nakatutok pa rin ang baril sa doctor. Ito talaga ang pakay ng lalake kaya siya nakipagsabwatan sa taong gustong makuha si Blue.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin