Part 15

1K 90 53
                                    



Mikael pov:

Papunta kami ngayon sa cafeteria.

Sa hallway pa lang ay mga tilian na kaagad ng mga babae ang naririnig namin.

Pagpasok namin sa cafeteria, madaming na kaagad studyante ang nasa loob at nagpapansin pa sa amin pero sa isang babae lang ako nakatingin.

Napatingin ako sa mga kasama ko at pansin ko ding iisa lang kami ng tinitignan.

Medyo nakatalikod si Lorraine sa amin pero bigla itong lumingon. Nagulat pa ito ng makita kaming nakatitig sa kanya.

Bigla na lang itong nasamid kaya di namin mapigilang matawa.

"Shit pare. Nasamid pa ata si Sabrina dahil sa titig ko."mayabang na sabi ni Czero sa amin.

"Ibang klase siya. 'Yung iba nga halos magtatalon na sa kilig kapag tinignan natin pero siya nasamid."naiiling at nakangiting sabi naman ni Jeric.

"She's cute." nakangiting sabi ni Miguel..

Si Dione naman ay napa-smirk lang na nakasandal sa upuan niya habang nakatitig pa din kay Lorraine.

Napapailing na lang akong isipin na pare-pareho pang nakukuha ang atensyon namin dahil kay Lorraine.

Tumayo ako at pumunta sa drink machine para kumuha ng strawberry juice. Dala-dala ko ito at naglakad papunta sa lamesa nila Blue.

Pansin kong napatigil siya ng maramdaman niyang nasa likuran na niya ako kaya bahagya pa akong yumuko.

Amoy ko ang strawberry buhok niya na sumakto pa sa juice kong dala.

"Here.. drink this." bulong ko sa kanya. Bahagya kong tinignan ang mukha niya at mahina na lang akong napatawa ng napansin kong namula siya. May epekto din pala ako sa kanya.

Nanatili siyang tahimik sa kinauupuan niya
matapos kong ilapag ang inumin.

Umayos na din ako ng tayo at bumalik na ulit sa kinauupuan ng Dark Knights upang di na siya masyadong mailang.

Nakaupo na ako sa upuan ng makita ko siyang nagmadaling lumabas ng cafeteria kasama ng kaibigan niya. Napangiti akong muli ng mapansing dala niya din ang binigay kong strawberry juice sa kanya.

"Oyy.. pare ano yun?" usisa ni Czero na kibit-balikat ko lang na sinagot.

"Bilis mong pumorma. Naunahan mo pa ako." naiiling na sabi naman ni Jeric.

"Tsk." reaction ni Dione. Ganyan lang talaga kadalasan ang reaction niyan.

"I want to know her more too." napatingin ako bigla kay Miguel.

Napailing na lang ako sa isip ko.
Sana nga lang di masira ang samahan namin.

——————-

Blue pov:

Nasa school field na kami ni Isay pero di pa rin mawala-wala ang bilis ng tibok ng puso ko. Di ko rin maiwasang pamulahan ng mukha dahil sa hiya at ramdam na ramdam ko pa rin ang init ng pisnge ko.

Napatingin ako kay Isay at napangiwi nalang ako dahil nakangiting aso siyang nakatingin sa akin.

"Hoy Blue ano yun ha?" nagtanong pa siya.

Mas lalo akong nahiya.

"Oyy may lagnat ka Blue? Namumula mukha mo oh.." nanlaki pa ang mata niya na parang may naisip na dahilan.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu