Part 62- Job

354 19 0
                                    



Dione points of view:

I'm here at the auto shop. Gusto kong makausap ang babaeng kausap ni Blue kaninang umaga. May bagay lang na gusto kong malaman para malinawan ng kahit kaunti ang isip ko.

Sobra akong nag-aalala kay Blue ngunit alam kong walang magagawa ang nararamdaman kong iyon kung wala akong gagawin.

"Oy pogi., anong kelangan mo?" bati sa akin ng matandang may-ari ng shop.

"Andito po ba iyong babae niyong trabahante? Can I talk with her?" agaran kong tanong sa kanya.

Nagkunot muna ito ng noo bago ako muling kinausap.

"Bakit?" nag-iba ang mood na tanong nito.

"Gusto ko lang po siyang tanungin Mang Astor. May mga bagay lang ako na gustong malaman mula sa kanya." mahinahong sagot ko dito.

"Ah ganoon ba? Akala ko manliligaw ka na ni Ivory. Haha." halakhak nito tsaka tumingin sa likurang bahagi.

"Ivory, pumareni ka muna at may naghahanap sayong pogi." pasigaw na tawag nito sa dalaga.

Maya-maya lang ay lumabas ito habang may dala-dalang tools sa kamay niya. Ang isa naman niyang kamay ay may hawak na basahan.

"Bakit po?" bored lang na tanong nito sa matanda.

"Gusto kang kausapin nitong si pogi. Huwag ka munang magpaligaw iha, kahit pogi itong gustong kumausap sayo ay kilalanin mo muna." mahabang salaysay ng matanda na pareho naming kinunutan ng noo at di makapaniwalang tumingin dito.

"What the heck Mang Anton!" bulalas ng babae.

Napatawa lang ang matanda sa kanya at nagtaas pa ito ng kamay bago kami iwanang dalawa.

"Anong kailangan mo?" malamig na tanong kaagad nito.

"Gusto lang kitang makausap. I was with Blue earlier." sagot ko. "Ano bang sinabi mo sa kanya kanina? Bakit siya nagmadaling umalis?" sunod-sunod kong tanong kaagad.

Nagtaas lang siya ng kilay at tahimik na naglakad papunta sa gilid ng shop. Tahimik ko lang din siyang sinundan hanggang sa tumigil siya at muling humarap sa akin.

"I just told here what happened to her friends." simpleng sagot niya.

"How did you know?" tanong kong muli.

Umiling lang siya at nakakalokong ngumiti.

"Bakit? Close na ba tayo para sabihin ko sayo?" sambit niya na nagbigay ng inis sa akin.

"No, but I want to know it Ivory. I'm so worried about Lorraine kaya gusto kong malaman kahit kaunting impormasyon man lang." bagamat naiinis ako sa mga sandaling ito, nagawa ko pa ring makiusap sa kanya.

Ngumisi lang siya ulit at tsaka nagsalita.

"Your the son of one of the underbosses in the Underground Organization Mr. Dione John Enrile, dapat alam mo na kung bakit ko ito alam." makahulugan niyang sambit na lalo kong ipinagtaka.

"Who are you? Sino ka ba talaga? ..paano mo nalaman ang tungkol sa organisasyon?" gulat at seryoso kong tanong dito na katulad ng kaninang ginawa niya ay ngumisi lang ulit siya.

"Tauhan ako ng ama mo Dione. Hindi mo siguro ako namumukhaan dahil minsan lang na nagsalubong ang mga landas natin."

Hindi ako makapaniwalang tumitig sa kanya. Siya na isang babae ay may kaugnayan sa aking ama, sa organisasyon? What the hell!

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora