Part 80-Bury

309 20 0
                                    



Blue points of view:

Matapos magkwento ni Dew, nagpasya na din siyang lumabas na ng kwarto upang makapagpahinga na ako.

Ilang minuto pa akong nanatiling nakatitig lang sa kisame habang iniisip pa rin ang mga nangyari sa akin.

Hindi ko magawang magalit pa kay Ivory sa ginawa niya dahil may dahilan naman siya. Sa ama naman ni Dione, hindi ko pa alam kung anong mararamdaman ko dito., —naaalala ko tuloy ang mga katagang sinabi noon ni Lola patungkol sa kaligtasan. Siguro wala lang siyang mapagpipilian kundi ang kumapit na lang sa patalim upang maligtas lang ang pamilya nila.

Sa ganoong pag-iisip ay nagawa kong makatulog.

Ngunit hindi ko na naman inaasahang bumalik na naman ang bangungot na dinanas ko sa kamay ng taong iyon.

Naghahalucinate na naman ba ako?

Wari ramdam ko pa ang bawat nakakadiring haplos nito sa balat ko. Gusto kong magpumiglas pero katulad ng nangyari sa akin kahapon ay parang nakatali pa rin ang mga kamay at paa ko.

Ayoko nito. Nandidiri ako sa sarili ko. Bakit ba ito nangyayari sa akin? Gusto kong humingi ng tulong pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko.

Ramdam ko na ang luha at pawis na naghahalo sa pisnge ko. Gusto kong magising pero hindi ko maidilat ang mga mata ko. Epekto pa rin ba ito ng drugs na iyon?

Sumasakit na ang lalamunan ko dahil sa pag-iyak ko. Hindi ba nila ako naririnig sa labas? Papa? Mikael? Asan kayo?

******

Mikael points of view:

It's already midnight pero hindi ko pa rin magawang makatulog. I wanted to see Lorraine kanina pero nakita kong kausap niya ang dalawang kaibigan niya kaya hindi na ako tumuloy na pumasok sa kwarto niya.

Bumalik na lang ako sa inukupa muna naming room kasama ang mga kaibigan ko.

"Kumusta ang sugat mo bro?" tanong ko kay Czero habang nakatingin din sa kaliwang braso niya.

"I'm fine dude., malayo sa bituka." sagot lang nito.

Umupo ako sa katabing upuan habang napapatingin sa tahimik na si Dione.

"Dude." tawag pa ni Miguel dito.

Bumaling lang ito ng tingin sa amin ngunit umiwas din kapagkuwan.

"It's not your fault dude." sambit ni Miguel dito.

"It's my father's fault Herrera at kahit ayaw ko man ay kasalanan ko na din." saad nito kay Miguel na inilingan lang ng huli.

"It's true that it's your father's fault dude pero dahil naman sayo ay naligtas natin si Sab, medyo nahuli nga lang tayo ng dating." si Jeric naman na natahimik din matapos niyang magsalita.

"Ang mahalaga, nagawa pa natin siyang maligtas.. ipagdasal na lang nating magiging okay na siya." sambit din ni Czero na tinanguan lang din ng iba.

"Ikaw Mikael, kumusta ang sugat." baling ni Miguel sa akin na ikinatingin ko din sa sugat ko.

"Masakit." simpleng sagot ko lang sa kanya. Masakit dahil natatakot pa rin ako na baka palayuin na naman niya ako kapag nilapitan ko siya.

"Dude magiging okay din ang lahat., magtiwala na lang tayo kay Sab.." sambit lang nito na bahagya ko na lang nginitian. Yeah.. we need to trust her. Alam kong malakas siya kaya kakayanin niya.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora