Part 72- Trust

349 19 0
                                    



Blue points of view:

We won the students music artist festival award.

Masaya kaming tatlo nina Isay at K na tinanggap ang award. The audience requested us to perform again and we granted it.

Napuno ng confetti ang buong gym na nagmistolang live concert dahil buong contestants ng music festival ay nakisali na din sa kanta namin.

Habang nagda-drum ako, I saw Mikael smiling while he's walking towards my direction. Nakangiti lang din akong nakatingin sa kanya habang pumapalo pa rin sa drum.

"Congrats." he said matapos ang kanta. I just smiled at him at nagpasalamat din.

Sabay-sabay na kaming lumabas ng Academy matapos ang celebrasyon.

"Ang galing natin Blue. Oh may gash sabi sa inyo eh, ako bahala sa grupo natin." mayabang na sambit ni Isay sa amin ni K.

Peke lang kaming ngumiti sa kanya na ikinasimangot naman niya.

"Ang saya ko Blue dahil bumalik ka na." sambit na naman niya na ikinalingon ko na sa kanya. "Babalik na ba tayo sa bahay mo?" tanong pa niya.

Biglang napalis ang sayang naramdaman ko kanina. I know she miss our bonding at sobra ko na ding namimiss iyon pero baka hindi na yun mauulit.

"Hindi pa pwedi Isay." sambit ko sa kanya na kahit nakangiti siya hindi nakaligtas sa akin ang lungkot na nakikita ko sa mga mata niya.

"Mawawala ako ng mga ilang araw ulit Isay, K. Mag-iingat kayo ah." bilin ko sa kanila.

"What? Why?" malungkot na tanong ni K. Bahagya lang akong ngumiti sa kanya bago sagutin ang tanong niya.

"May pupuntahan lang kami ni Papa. Bonding, you know?" pabiro kong sabi sa kanila upang mabawasan man lang ang nakikita kong lungkot ngayon sa mga mukha nila.

"Baka naman pweding sumama Blue." singit naman ni Isay na nakangusong nakaharap sa akin.

"Next time." sabi ko sa kanya na ikinatuwa niya. Ngayon ko lang naalalang hindi ko pa pala sila napapakilala kay Papa.

Ivory waited me at the gate kaya pinakilala ko na din siya sa mga kasama ko.

She just nod. Hindi man lang siya nagsalita sa mga ito samantalang kapag kami ang magkasama ay mapang-inis siya.

Mikael offered na ihatid ako sa bahay but Ivory gave him a cold stare.

Hindi pa nila alam na sa bahay ako ni Ivory nakatira ngayon at ayaw din ata ni Ivory na may makaalam kung saan kami nakatira ngayon. Naiintindihan ko naman iyon dahil delikado pa rin ang buhay ko.

"Let's go." yaya ni Ivory sa akin.

I bid goodbye to my friends at sa mga Dark Knight bago ako umangkas sa motor niya.

Lumapit pa si Mikael sa akin and he kiss my forehead bago ako suotan ng helmet.

"Take care okay?.. I will call you." malambing niyang sambit na ikinangiti ko sa kanya habang mahinang tumango. "I love you." mahinan pa niyang dagdag na halos ikapula ng pisngi ko. Jusmeyo hindi pa ba siya tapos sa pagiging clingy niya?

"Tsk." rinig ko pang mahinang palatak ni Ivory. Tsk! Inggit.

I gently touch his handsome face bago kami umalis ni Ivory. Ang gwapo talaga ni Mikael ngayon. Well, lage naman siyang gwapo. Lalo lang tuloy akong nainlove sa kanya.


Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora