Part 100- Kwon

230 13 1
                                    



Blue points of view:

"S-son." nag-aalalang tawag ni Mr. Enrile kay Dione ng makapasok na ito sa loob ng kwarto.

Bahagya lang ngumiti si Dione sa kanya bago ito tumango.

Napabaling naman ang paningin ni Mr. Enrile sa akin at mahinang nagpasalamat. Tumango lang din ako sa kanya.

Lumapit na siya sa kinauupuan namin ni Dione na sinundan din ni Xander at Ivory. Sumunod ding pumasok sina Miguel, Jeric at Czero na kanina pa pala nandito.

Nag-aalala pa rin akong tinignan ni Xander habang si Ivory naman ay tahimik lang nakatingin sa mag-ama.

"How are you son?" O-okay ka na ba?" paniniguro pa nito.

"I'm fine now Dad." sambit naman ni Dione sa kanya.

"Dude nag-alala kami para sayo." singit ni Czero na halata naman kahit hindi niya pa sabihin.

"No worries dude.. malayo sa bituka." biro pa ni Dione na nginiwian naman ng mga kaibigan niya bago magsalita.

"Malayo sa bituka pero malapit sa puso mo dude." sabat ni Jeric.

..sa utak din." dagdag naman ni Miguel na nagpatawa sa kanilang apat na parang walang nangyaring problema.

"Are you okay girlfriend?" baling ni Miguel sa akin ng mapansin nito ang naiwang pasa sa gilid ng labi ko.

"Did you hurt her dude?" taas-kilay na tanong ni Czero sa kanya.

Napayuko naman si Dione habang pansin ko ang paglapit ni Xander sa tabi ko.

"Are you fine Savvie?" malambing nitong tanong sa akin. Ramdam ko ang pagbaling ng lahat ng tingin nila sa direksyon ko.

"Who is he?" nagtatakang tanong ni Dione na si Xander mismo ang sumagot.

"I'm Alexander Go.. my sweet Savvie's bestfriend." pagpapakilala nito sa lahat. Lihim na lang akong napangiwi ng kunot-noo lang nila kaming tinignan maliban kay Ivory na nanatili pa rin ang tingin kay Dione.

..bestfriend? when?" tanong na naman ni Miguel.

"..ah nung nasa Korea pa ako." singit ko sa usapan na sa di ko malamang dahilan ay ikinatingin ni Ivory sa akin. Nagtataka niya pang tinignan si Xander ngunit pinalitan niya din ang emosyon niya ng bumaling na siya ng tingin sa akin.

"Our time is up Blue.. we need to go." sambit lang nito bago walang pasabing naglakad palabas ng kwarto.

Nagtataka naman akong tinignan ng naiwang mga lalake sa loob. Tinanguan ko si Xander upang ipabatid na kakausapin ko muna ang mga Dark Knights bago kami umalis.

Lumabas na din si Xander at sumunod na din si Mr. Enrile upang tawagin ang mga doctor na muling gagamot sa ibang sugat ni Dione.

"Where are you going Sab?" di na nakatiis at nagtanong na si Miguel sa akin. Tahimik lang na nakikinig ang tatlo pang kasama namin at naghihintay sa sagot ko.

"Kailangan muna naming umalis dito kasama sina Ivory, Dew at First dahil nalaman ng isang secret agency na carrier kaming apat ng dievil drug." pauna kong paliwanag sa kanya.

Palipat-lipat pa ang tingin nila sa aming dalawa ni Dione kaya alam ko na kung anong iniisip nila ngayon.

"Don't worry.. hindi pa nila alam na carrier din si Dione dahil si Ivory ang nag-inject sa kanya." sambit ko ulit na alam kong ikinahinga nila kahit papaano.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें