Part 82- Training 1

312 21 0
                                    



Blue points of view:

The next day ay nagsimula na ang training ko kasama ang mga Dark Knights at sina Ivory at Dew.

Alam na din ni Papa kung saan galing si Dew ngunit hinayaan niya pa rin itong sumama sa amin.

Hindi ko alam kung anong plano ni Papa pero alam kong hindi naman niya pababayaang may makapasok na kalaban sa organisasyon niya. Dew is the daughter of his rival at kahit pa kaibigan ko na ito hindi pa rin mababago na anak siya ng kalaban ni Papa.

Gumaling na din ang mga pasa at bugbog ko kaya nag-suggest na akong mag-umpisa na kami sa pag-eensayo.

"Let's start." sabi ni Ivory sa amin.

Hiwalay ang training room ng mga boys sa amin kaya kaming tatlo lang ni Dew ang andito sa loob ng kwarto.

Hand on hand combat ang kaagad naming ginawa. Nauna silang maglaban ni Dew habang nanunuod lang ako sa kanila.

"Bitch!" inis na sigaw ni Dew ng matamaan siya ng suntok ni Ivory sa sikmura.

"Your so slow Dew.. ang hina mo pa!" pang-iinis pa lalo ni Ivory sa kanya.

"WHAT DID YOU SAY!!" galit na nitong sambit habang umaatake na naman kay Ivory.

Buong lakas niya itong sinipa ngunit tumalon lang si Ivory kaya hindi niya din ito nagawang tamaan. Mabilis niya pa itong pinapaulanan ng suntok at sa isang suntok nito ay tinamaan ang pisnge ni Ivory na ikinaaray nito.

"Sino ang mahina Ivory?!" nakangising sambit ni Dew.

"Ikaw!" balik din ni Ivory dito kaya mabilis na naman siyang sinipa nito na nasalag niya din gamit ang dalawa niyang kamay.

Habang patagal ng patagal ang laban nila lalo namang bumibilis ang mga kilos nila.

Hindi ko man lang sila nakikitaan ng pagkapagod. Napapangiwi sila sa tuwing natatamaan ang isa't isa ngunit kaagad din nakakabawi ang katawan nila at patuloy na ulit na nakikipaglaban.

Sa laban nila, parehas lang silang malakas. Mabibilis ang kilos, depensa at sa pag-iisip nila ng strategy. Angat lang ng kaunti si Ivory dahil asar talo sa kanya si Dew na nakakaapekto sa pakikipaglaban nito.

Nagpahinga lang sila ng kaunti matapos ang laban nila.

Naningkit na lang ang mata ko ng tumayo silang dalawa sa harap ko at pomosisyon na upang labanan ako.

"One versus two." seryosong sambit ni Ivory na ikinanganga ko.

Tumaas pa ang kabilang labi niya habang si Dew naman ay nakangisi lang sa akin.

"Ngayon mo patunayang karapat-dapat kang maging superior ko Blue." sambit pa ni Ivory na halos ikinalaki na ng mata ko.

The fuck! Paano ko sila lalabanang dalawa eh kanina pa nga lang ang bibilis na ng mga galaw nila?

"Kumusta ang training girls?" napalingon ako kay Papa na kadarating lang.

"It's fine Mr. Park.. kailangan lang patunayan ni Blue kung karapat-dapat ba siyang maging lider namin." nakangising sabi ni Ivory na tinanguan din naman kaagad ni Papa.

Nanatili lang akong nakanganga sa kanila. Potcha! Mabubugbog na naman ata ako nito.

"Go bitch!" saad pa ni Dew tsaka nakipag-apir kay Ivory. "Let's be hard on her." dagdag pa nito na ikinangiwi ko na. Natawa naman si Ivory sa sinabi niya na parang nagustuhan niya din ang sinabi nito.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now