Part 14

1K 97 49
                                    




Star Section..

Nakasuot na ako ng uniform ng pumasok ako sa school.

Pagdating ko sa Academy ay naghihintay na sa akin si Isay sa gate.

"Blue!" tawag niya ng makita niya ako. "Wow bagay na bagay sayo ang uniform natin, para kang anime cosplayer.. hihi..

Ang ingay talaga niya. Buti nalang maaga pa at wala pang masyadong studyante.

Napa-irap ako sa kanya. Ang iksi nga ng uniform na to di ako sanay magsuot ng maiksi. Buti na lang at mahaba ang socks na suot ko.

"Halika na Blue hatid na kita sa section mo." yaya niya bago ako hinatak sa loob ng academy. Hinayaan ko na lang siya dahil wala ako sa mood magsalita.

"Blue yan na ang room mo. Kita nalang tayo maya. Sige goodluck.." sabi niya at tsaka umalis papunta sa section niya.

Nagmamadali lang!?

Pumasok na ako sa room at may naabutan akong isang lalakeng may suot na salamin. Geek student. Umupo muna ako doon sa may bandang likuran malapit sa bintana.

Nakatulala lang ako habang pinagmamasdan ang tanawin sa labas ng bintana. Nasa 3rd floor kasi ang section na ito kaya kitang kita ang nasa baba.

Malawak ang field ng academy at may ilan ding naglalakad at tumatakbo doon.

Nagsidatingan na din ang ibang mga magiging kaklase ko dahil maingay na sa harap.

Nasa bintana pa rin ang paningin ko kaya nung biglang natahimik sa harap ay napalingon ako sa pag-aakalang dumating na ang instructor namin.

Napa poker face na lang ako nung sa akin pala sila lahat nakatingin kaya sila natahimik.

Tinignan ko naman ang bawat isa sa kanila at napako ang tingin ko dun sa lalakeng tumulong sa akin kahapon.

Ngumisi siya sa akin kaya napataas ang kilay ko sa kanya.

Yung mga babaeng kaklase ko naman ay di maipinta ang mukhang nakatingin sa akin. Ito na siguro ang sinasabi ni Isay na one of the bullies ng Academy.

"So you are the new students ha?" sabi nung babaeng naka make-up at kulot-kulot pa ang buhok.

"Good luck girl."sabi pa nung isa. Pinapalakas niya ata loob ko.

"What kind of dirty tricks did you used para mapasama sa popular list ng academy ha?" tanong pa nung maarteng babaeng pulang pula ang lipstick.

Gusto kong mapaismid.. Nag-umpisa na ata ang pambubully nila sa akin.

Tamad ko lang siyang tinignan. Baka siya ang may dirty tricks na ginawa, sa akin pa niya binintang.

Tamad ko lang silang tinignan. Wala ako sa mood magsalita lalo na sa mga insecure at makikitid ang utak.

"Hey are you deaf? Don't you hear us?" pagpapansin nung isa sa akin.

"Bitch you should know where to stand here in this Academy." Aba nagbanta pa.

Hahawakan na sana ako nung babaeng tumawag na bitch sa akin pero natabig ko agad ang kamay niya. Tinignan ko muna sila ng masama bago nagsalita.

"Mind your own business!"

Ang mga lalake ay nakatingin lang sa amin. Wala din siguro silang magawa at mga spoiled brat ang mga babaeng kaklase namin.

Dumating na ang instructor at nagpakilala sa amin.

"Good morning class. I'm Mr. Henry Perez your Music instructor. Since this is your first meeting as a grade 11 students. You may introduce yourselves in front. Lets start on you Miss Park since you are the new student." sambit ng teacher kaya tumayo na ako para magpakilala.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz