Part 86- Survival 2

227 15 0
                                    


Kinabukasan, nagising kami sa mga kaluskos mula sa labas.

Magkatabi kaming natulog kagabi kaya sabay-sabay din kaming napabalikwas ng bangon habang pinapakiramdaman ang paligid.

Bahagyang sumilip si Ivory sa bintana at mahina na lang siyang napamura sa nakita niya.

Sumilip na din kaming tatlo at nanlaki na lang ang mata ko ng makita ko ang naglalakihang leon na nakapalibot sa resthouse namin.

"What the fuck is that?" mahinang mura ni Dew.

"A lion." simpleng sagot lang ni First.. "..five lions." saad ulit nito matapos mabilang ang leon sa labas.

"Naamoy ata nila ang pagkain natin kaya pumunta dito sa resthouse." sambit ko naman na ikinatingin nila sa akin.

"How are we gonna shuu them?" sabi ni Dew na bahagyang nginiwian ni Ivory.

"Subukan mong e-shuu baka umalis." taray nito kay Dew. ..we need to do something dahil baka tayo ang kainin ng mga yan." dagdag pa nito na ikinalaki ng mata ni First.

"I don't want to be eaten.. gusto ko lang kumain." angal nito kay Ivory na ikinasingkit ulit ng mata nito.

Isang malakas na ingay ng leon ang kumuha ulit ng atensyon namin. May isa pang malakas na hinahampas ang pintuan habang ang iba naman ay ang pader ang binubunggo. Gusto talaga nilang makapasok sa loob.

Isang hampas pa ng malaking leon at tuluyan na talaga niyang nasira ang pintuan dahilan upang makapasok na siya sa loob. Gawa lang sa kahoy at kawayan ang resthouse kaya madali lang talaga itong masira sa malalakas na hampas.

Tahimik lang kaming nasa loob ng kwarto. Ni wala sa amin ang gumagawa ng ingay dahil wala kaming kahit anumang sandatang pweding ipanlaban sa kanila kapag nakapasok sila sa kwarto.

Rinig naming nadagdagan ang leon na nakapasok sa loob ng rest house. Kinakalkal na nito ang kahit anong makita sa loob. Rinig din namin ang pagkabasag ng ilang bagay mula sa labas ng kwarto. May nahuhulog din sa sahig ngunit ang ikinagulat namin ay ang malakas na boses na naman ng leon na nasa labas na ng pintuan ng kwarto kung nasaan kami. Ang lakas ng pang-amoy nila.

Pilit nilang binabangga ang pintuan. Nakakatakot din ang ingay nila na halatang mababangis ang mga tulad nila.

Sumenyas si Ivory na gamitin namin ang bintana upang makalabas ng kwarto bago pa man kami maabutan ng mga leon.

Nauna ng tumalon si First at Dew na sinundan na din namin ni Ivory ngunit mabilis din kaming hinabol ng dalawang leon na nasa sala lang pala ng rest house.

"Run!" malakas na sigaw ni Ivory.

Mabilis ang takbo naming apat papunta sa baybayin ngunit wrong way ata iyon dahil kahit doon ay hinabol pa rin kami.

"First, hurry up!!" sigaw ni Dew kay First ng huminto ito sa pagtakbo.

"I.. I can't." nauutal nitong iling ngunit wala na siyang magawa ng hilahin na namin siya ni Ivory papunta sa tubig.

"You'll die kung hindi ka lalangoy!" madiing sabi ni Ivory sa kanya pero patuloy pa rin siya sa pag-iling.

"I..— I'm scared Ivory." namumutla na nitong saad.

Mahigpit ko namang hinawakan ang kamay niya. Nanginginig ito ngunit kailangan na naming lumusong sa tubig dahil maaabutan na kami ng mga leon. "Don't worry First, hindi ka namin papabayaan sa tubig." i assure her.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now