Part 7

1.2K 96 84
                                    



Alesandra Marie Go POV
(Ales)

Hi! My name is Alesandra Marie Go. Kapatid ko si Alexander Brix Go. Bestfriend ko naman si Sabrina Lorraine o Blue.

Kahit mas madalas silang magkasama ni kuya ay mahal ko pa rin naman ang bestfriend kong singlamig ng yelo. Ayaw niya kasi sa girl thingy kaya sa mga yayang sports ni kuya siya sumasama.

Ito namang si kuya napapansin kong malapit na malapit na ang loob niya kay Blue. I smell something fishy. May gusto na ata to kay Blue eh.

Nabalitaan ko pa lang kumukuha ng drivers license itong friend ko. Palibhasa hindi uso ang traffic dito sa Korea kaya pinayagan siyang kumuha ng student license.

Bilib din ako kay lola lorena dahil lahat ng gusto ni Blue ay binibigay niya.

Mapagkakatiwalaan din naman si Blue at responsable. Sa mura niyang edad ay madami na siyang alam sa buhay. Pumayag na din daw ang lola niya para makapunta naman siya sa mga magagandang tourist spot dito sa Korea.

Magaya nga 'yang bestfriend ko. Di uso magyaya sa kanya eh buti nabanggit ni kuya Alex .

Kita mo buti pa si kuya naunang nakaalam kesa sa akin na bestfriend niya. Naku talagang babaeng 'to.

Papunta ako ngayon sa bahay nila at naabutan ko silang nag-uusap ng lola niya.

Mabait si Blue sa lola niya. Sa kanya lang ata siya ngumingiti minsan pag kinakausap eh.

Minsan din kinakantahan niya ang lola niya. Tuwang tuwa naman ito sa kanya dahil nababawasan na ang pagiging malamig nito pero kay lola lang talaga nabawas ang coldness niya. Ganun pa din kasi siya sa ibang tao.

Magaling si Blue sa lahat ng bagay. Matalino, madaling matuto. Parang perfect na nga siya eh, maganda din siya maamo ang mukha niya pero malungkot pa rin siya kapag nakikita ko siyang mag.isa. Naaalala niya pa rin kasi ang mama niya.

"Hi bestfriend." bati ko sa kanya.

Kumaway lang siya sa akin. Di talaga uso magsalita sa kanya.

"Yah! your so madaya. Di ka man lang nagyayang kumuha ng drivers license. Nagtatampo tuloy ako sayo."sabi ko sa kanya.

"Hindi 'yon bagay sayo." simpleng sagot naman niya.

"At bakit naman hindi bagay sa akin? Kelangan ko ding matutong mag drive noh." nagtatampo kong sambit.

"May driver naman kayo." maiksi niya pa ring sagot.

Kita mo 'tong babaeng to. Ayaw talaga akong kasama nito.

"Nakakapagtampo ka na talaga Blue. Ayaw mo ba akong kasama? Lagi nalang si kuya ang kasama mo tapos ngayon sasabihin mo pang di bagay sa akin ang mag drive ng kotse." drama ko sa kanya na may papahid pahid pa kunwari sa luha ko.

Bumuntong hininga siya at tinitigan lang ako.

"Ales ayaw ko lang mapahamak ka. At tsaka mas safe na din sayo na may driver ka. Concern lang ako baka mabangga ka." paliwanag niya.

Concern din pala 'tong friend ko na 'to sa akin. Nakaka touch naman kaya love ko talaga to eh. Pero kulang pa ang drama ko.

"Ah basta nagtatampo pa rin ako."drama ko pa sa kanya.

"Gusto mo ng ice cream?"tanong niya.

Ito ang hinihintay ko. Alam niya kasing kahinaan ko ang ice cream kapag nagtatampo ako sa kanilang dalawa ni kuya. Ice cream kaagad ang pansuhol nila sa akin.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now