Part 51- The reason

483 24 5
                                    


Isay pov;

Tahimik lang akong nakaupo dito sa kusina ni Blue habang tinitignan ang pagkatulala niya.

Kanina pa siya ganyan kaya hinayaan na niya akong magdrive ng motor na sinakyan namin pauwi.

"Blue kumukulo na!" untag ko sa kanya ng kumulo na ang niluluto niyang ulam.

"Huh?!" tumingin lang siya sa akin na parang walang narinig. Batukan ko kaya to para magising.

"Yung dugo ko kumukulo na sa pagkalutang mo. Kanina ka pa huh! Ano bang nangyari sayo? Batok you want?!" singhal ko at ako na ang nagpatay ng kalan.

Napaupo naman siya sa upuan at patuloy pa ring wala sa sarili.

Napapakagat pa siya sa labi niya at parang may kung anong gumugulo sa isip niya.

Humarap siya sa akin at aaktong bubuka ang bibig pero wala din namang sasabihin at iiwas pa ng tingin.

Takte! Nasstress ang beauty ko sa kanya. Ang sarap na niyang sabunutan.

"Ano ba Blue?! Magsasalita ka ba o sasabunutan na talaga kita?" nakakagigil eh.. yung alam mong magsasalita na siya pero biglang tatahimik na lang. Putspa.. hindi natatahimik ang pagka chismosa ko dahil sa ginagawa niya.

"Ano kasi Isay.. —yung ano.." paputol-putol niyang sabi. Napapakagat pa siya sa kuko niya at maya-maya ay titingin sa akin.

"Ano nga?! Puro ka ano.. Na-ano ka ba huh?! Sasabunutan na talaga kita." singhal ko na naman. Pabitin ang putek.

"Saglit lang naman kasi.. Para kang ostrich na hindi matahimik eh." simangot niyang sambit kaya tumahimik muna ako saglit.

Ilang minuto ko siyang hinintay magsalita pero ang gaga bumubwelo pa.. Uunahan ko na naman sana pero sa wakas nagsalita na din. Kingena!

"Paano pag naging kayo ni Miguel Isay at sasabihin niya sa mga kaibigan niyang kayo na. Anong mararamdaman mo?" tuloy-tuloy niyang sambit na nagpangiti sa akin.

"Syempre naman masaya. Hahahaha.. dream come through tawag doon kapag naging kami ni Miguel. Magpapa fiesta ako sa Academy kung matutupad iyon. Hahahahah." ang saya ng tawa ko.

"Pero teka lang bakit napunta sa akin ang usapan eh ikaw ang tinatanong ko kanina diba?" balik ko sa kanya. Masyado akong na-carried away sa sinabi niya. Hihi.

"Wala.. okay na yun. Sabi mo masaya eh.. Kaya ganoon na rin ang mararamdaman ko." sagot niya at iniling-iling pa niya ang ulo niya para siguro mawala ang pagkalutang niya.

Mataman ko lang siyang tinignan. Hindi ata ako nasatisfied sa sinagot niya..

Magtatanong pa sana ako ng inunahan na naman niya ako.

"May music festival pala next two weeks, kelangang mag-perform ng mga star section kaya sumali ka sa grupo ko Isay."

"Ehh.. gusto ko yan Blue.. Rock 'n roll.. Sino pa kagrupo natin? Madami ba tayo huh?!" excited kong tanong sa kanya.

"Tayong tatlo ni K." tipid lang niyang sagot. Tatlo lang kami? Pero okay na din yun. Atleast magkakasama kaming tatlo.

Pagkatapos naming kumain, niyaya ko siyang bumisita sa bahay nila Mang Astor at Asher dahil baka nakalabas na ang tukmol.

Pumayag naman siya at nakamotor na naman kaming umalis.

Pagmumukha kaagad ni Joel ang sumalubong sa amin pagkarating namin sa kanila. May black eye pa siya dahil sa naganap na ikwentro noong nakaraang gabi. Buti nga yan lang inabot niya at hindi siya natulad kay Asher na naospital pa.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora