Part 56 - Rehearse

369 21 1
                                    



Isay Points of View

"Marco ikaw maghugas ng plato." utos ko sa dumidighay na si Marco. Kakatapos lang namin kumain at sigurado akong busog-lusog ang lalakeng ito. Ang sarap ba naman ng luto ni Kirsten at Blue.

Sumimangot lang siya sa akin pero nag-umpisa na din siyang magligpit ng pinagkainan namin.

Bibilib na sana ako dahil may ambag na din siya pero ang potcha may mantika ata ang kamay at lageng nadudulas ang hinuhugasan niyang plato.

"Hawakan mo kayang maayos., gusto mo bang magbasag ha? Nagdadabog ka ata eh!" mataray kong tanong sa kanya. Hindi pweding hindi siya tumulong dito. Hindi uso sa akin ang tatamad-tamad. Dapat kahit lalake siya ay marunong din siya sa mga gawaing bahay.

"Sorry na master., first time ko lang kasi maghugas ng plato." nakasimangot naman niyang sabi.

"Tsk." sambit ni Blue na tumayo na din at nilapitan ang hirap na hirap na lalakeng pg.

"A-ako na Sunshine. Kaya ko na 'to. Hihi." nahihiya pa nitong sambit.

"Tulungan na kita. Akin na 'yung sponge." naiiling na sabi ni Blue habang nilalahad ang kamay niya.

"Ahihi. Sige." pacute pa niyang sambit at masayang binigay ang sponge. Pansin ko pang namula ang tenga nga. Potcha kinilig ba siya?

Napaikot na lang ang mata ko sa kanilang dalawa. Niyaya kong magpahangin na lang sa garden si Kirsten habang hinihintay naming matapos maghugas ng plato ang dalawa.

Ilang minuto din ang lumipas ng sumunod din ang dalawa sa amin. Nakangiti pang naglalakad si Marco papunta sa bakanteng upuan.

Kinikilig nga ang potcha. Para siyang nanalo sa pagkakangiti niya.

Tsk. Kikiligin pa kaya siya kung malaman niyang may boyfriend na ang taong gusto niya?

Maya-maya nagyaya na din si Blue na pumasok na sa loob at magpractice na kami ng magiging performance namin sa music festival.

Dalawang set ang gagawin naming kanta.

Una ay kaming dalawa ni Kirsten lang ang kakanta habang tutugtog lang siya ng drum. May kaunting part na sasabayan niya kaming kakanta pero magiging second voice lang namin siya.

Sobrang cool ng napili niyang music. Wala pa man ay tumataas na ang balahibo ko sa excitement.

"Okay ba kayo doon K?" tanong niya kay Kirsten na nakangiti lang habang napapatango sa suhestiyon niya. Alam kong gaya ko excited na din si K sa performance namin.

"Ikaw Isay?" baling din ni Blue sa akin na binigyan ko ng dalawang thumbs up.

"Ganda ng kanta Blue. Sigurado akong mananalo tayo dahil sa ganda ng boses ko." pagmamalaki ko naman sa kanya na nginiwian lang niya.

"Okay lang yan Isay. Support kita." sambit pa nito bago ako talikuran at pumunta na sa harap ng drum.

Mahina namang natawa si Kirsten at Marco na nakaupo sa gilid kaya inikutan ko sila ng mata.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now