Part 90- Hiroshi Yamamoto

217 12 0
                                    



Isay points of view:

Dalawa lang kami ni Kirsten na magkasamang i-cheer ang mga Dark Knights nung may laban sila sa St. Bernard Academy, ang paaralan kung saan nag-aaral si Marco.

Hinanap pa nga nito si Blue, at katulad namin ay nalungkot din siya dahil namiss na naming kasama si Blue.

"Call me if babalik na siya, okay?" bilin pa ni Marco sa amin bago kami nito iwan upang pumunta na sa mga kateam mates niya.

"Paano na 'yan Isay, hindi natin ma-contact si Blue, paano na 'yung laro niyo sa susunod na linggo niyan?" nag-aalalang tanong ni Kirsten sa akin. Hindi lang kasi ang Dark Knights ang may gaganapin na laro dahil pati ang billiards maging ang archery at baseball ay may laban din sa mga susunod na linggo.

"Try kaya nating puntahan sa bahay nila." suhestiyon ko naman na kaagad niya ding sinang-ayunan. Magbabasakali kaming nandoon si Blue sa bahay nila.

"She's not there." sambit ni Mikael na di namin namalayang nakalapit na pala sa amin kasama ang mga kaibigan niyang Dark Knights.

Pasimple pa akong napakaway kay Miguel na ngiti naman ang sinagot sa akin.

"Nasaan pala siya kung ganon?" baling ko na kay Mikael.

"She's on vacation with her friend." sagot naman ulit nito na kinataas ng kilay ko.

Nagbakasyon siya na hindi ako kasama? Hindi kami kasama?

"It's an important vacation Isabela at hindi tayo pwedi sumama." paliwanag niya. Nakita niya siguro ang pagtaas ng kilay ko.

"Ahh okay. hihi.." kamot pisnge ko na lang na sambit. Naiintindihan ko naman kung anong pinupunto niya. "Sasabihin ko lang kasi sana ang tungkol sa laro namin next week kaya gusto namin siyang puntahan ni Kirsten."

Napatango lang ito sa akin bago nagsalita.

"I'll talk to her dad later, babanggitin ko na din ang tungkol diyan." sabi niya uli sa akin na nginitian ko na lang.

Sabay-sabay na kaming naglakad palabas ng Academy. Nag-alok pa silang ihatid kami ni Kirsten ngunit hindi na din kami pumayag dahil dumating naman na din ang sundo niya at isa pa, nabanggit din niyang pupunta sila sa opisina ng papa ni Blue.

Pasakay na kami ng mapansin ko si Marco kasama ang mga lalakeng nakasuot ng itim. Body guard niya ba ang mga iyon?

Hanggang sa makasakay na sila sa itim na sasakyan ay nakatuon pa rin ang paningin ko sa kanya. Hindi naman siya nanlaban kung hindi niya iyon kilala kaya naisip kong baka body guard niya lang talaga ang mga iyon.

"Anong tinitignan mo gurl?" tanong ni Kirsten sa akin.

"Ah, wala.." baling ko na lang sa kanya.

Umalis na din ang kotseng sinakyan namin pero nagtaka na lang akong muli ng mapansin kong nakatayo ang lalakeng kilala ko sa di kalayuang bahagi ng entrance ng St. Bernard.

"Asher?" pabulong kong sambit sa pangalan niya. Sinundan ko pa ang direksyon kung saan siya nakatingin at lalo lang nangunot ang noo ko ng mapagtanto kong sa mismong sasakyan kung saan si Marco ang tinitignan niya.

Nagmadali pa siyang sumakay ng sasakyan niya at maya-maya pa ay umalis din ang sasakyang lulan si Marco.

Sinundan niya ito.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon