Part 30- Sports Festival 5

800 71 36
                                    




"Hoy Blue ano na? Sobrang ganda lang??" pang-asar na sabi ni Isay sa akin.

(- -) - yan ang itsura kong nakatingin sa kanya.

Sino ba kasing nag-sabing nagmamaganda ako? Dafak

Kung alam lang niya.... naiilang na talaga akong mapalibutan ng mga lalakeng yun. Parang nagsisisi tuloy akong baguhin ang sarili ko. Dapat ata maging cold at aloof na lang ulit ang ugali ko. Pahamak kasi itong si Isay,, kakasama ko sa kanya nagagaya ko yung ugali niya.

Pero sa kabilang banda., masaya din naman ang magkaroon ng madaming kaibigan.. Yun nga lang dapat kaibigan lang talaga ang magiging tingin din nila sa akin.

"Anong ibig sabihin nung pagbulong-bulong ni
Mikael sayo kanina Blue ha?" pang-iintriga niya pa.

Aba malay ko dun. Di ko nga maintindihan sinabi niya kanina eh.

"Naku..naku.. naku!!!"para siyang gansa.. nakapamewang pa talaga. Iiling ang ulo at palakad-lakad sa harap ko. Para siyang pusang di matae.. ....sabagay natatae na pala siya kanina.

"Tumigil ka nga jan kakalakad mo Isay. Nahihilo na ako sayo."pigil ko sa kanya.

Eksaherada niya akong hinawakan sa dalawang balikat at pinaharap sa kanya. Baliw.. nasapian na naman siya..

"Titigil? Hindi ako titigil Blue hangga't hindi mo sinasabi ang totoo.. All my life i was living a lie." ano daw? Potcha.. nakakabaliw siya..

"Huh????"nakanganga akong napatingin sa kanya. Nagtaka ako eh. Ano bang pinagsasabi ng babaeng to.

"Aminin mo na kasi."seryoso niyang sabi. Teka.. ano bang aaminin ko? Peste.. lalo akong naguluhan.

"Teka..teka!!"pigil ko sa kanya at pinalis ang dalawang kamay niya na nakahawak sa balikat ko.

"Ano bang pinagsasabi mo Isay? Umakyat na ba sa utak mo ang duming di mo nalabas kanina?"dami niya kasing alam..

"Ahh.. hehe.. nadala lang ako.." nakatawa niyang sabi sa akin. Saan siya nadala? Sa kakapanood niya ng pelikula? Ahh.. kaya pala may popcorn at fries pa siya kaninang umaga.. Hayop sa trip tong si Isay.. Pwedi ng panlaban sa labanan ng mga kaibigang baliw.. Ako na dadayo..

"Abnoy!!"nakangiwing sabi ko sa kanya.

"Uhhh.. ehhh.. ano na nga Blue? Yung bulong ni Mikael ano yun ha?" bumalik ang pagiging tsismosa na naman niya.

Tinaasan ko na lang siya ng kilay.. Di niya ba naintindihan.. Bulong nga diba? Meaning hindi pweding marinig ng iba.. Hindi ko din naman naintindihan.. Dafak kasi nitong si Mikael bumulong pa di ko naman maintindihan.

"Search ko muna sa google.. di ko din naintindihan yung sinabi niya eh. Tsaka bulong yun Isay.. B-U-L-O-N-G..."pinaka-diinan ko yung bulong sa sinabi ko. "Ako lang dapat makarinig."tsismosa..

"Tsk.. parang aders ka naman niyan Blue"..(..) nakabusangot ang mukha ni Isay.. pwedi nang sabitan ng kaldero ang nguso niya..

"Ayun pala si Kirsten oh.. 'yung hinahanap mo.. hmmm...palusot mo yan kanina diba? Hehe. Akala mo ah.. Ganda mo kasi kaya pinag-aagawan ka na."sabi niya at nakangiting aso.

Hayuff.. Inikutan ko lang siya ng mata.. Napapamura na ako sa isip lage dahil sa kanya.

Pero..yun talaga ang dahilan kung bakit nakatakas ako dun sa dalawang grupong makukulit.. lalong lalo na kay Mikael at Marco..

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now