Part 5

1.3K 105 64
                                    


Korea..

Umalis na kami ni lola at pumunta na ng Korea.

Mahirap mag-adjust sa Korea kaya napagpasyahan ni lolang home school muna ako.

Hindi pa din naman ako handang mag-aral at di ko din alam ang salita nila. Mas maganda na din ang home school kasi advance ang natutunan ko.

Dalawang buwan na ang nakalipas nung napag desisyonan daw ni papa na i.enroll ako ng self defense sabi ni lola.

Di ko alam kung para saan iyon pero sabi nila para maproteksyonan ko daw ang sarili ko.

Sa unang training puro pasa at sakit ng katawan ang inabot ko. Pagkatapos kasi ng taekwando fighting class ko at iba pang class para sa lakas ng katawan ay nag enroll din ako sa sword fighting at fencing.

Hindi ko alam ang trip ng ama ko kung bakit pinapagawa niya sa akin ito.

Di din naman nagtagal ay nahasa na din ako at namaster ko din ang mga techniques ng self defense. Naging physically at mentally fit din ako dahil sa training na yon.

Nang matapos ang training ko ay balik ulit ako sa home school ko.

Sa kabila ng pagiging tahimik ko ay nagkaroon pa rin naman ako ng mga kaibigan. Sina Xander mas matanda ng 3 taon sa akin at si Ales kapatid ni Xander na kasing edad ko lang.

Apo sila ng kaibigan ni lola na kalaro niya minsan sa baraha at katulad ko din may lahi din silang korean at half filipino kaya nagkakaintindihan kami.


"Blue let's go shopping." yaya ni Ales sa akin.

"Wala ako sa mood Ales." tanggi ko sa kanya.

"At kelan ka pa nagkaroon ng mood Blue? Eh araw-araw wala ka sa mood." pangungulit niya pa sabay irap sa akin.

Malamig ko lang siyang tinitigan. Iyan pala gusto niya ah.

Makulit na babae si Ales. Masayahin din siya. Madami siguro siyang good vibes sa katawan kaya everyday happy siya. Samantalang ako nabibilang lang siguro ang pagkakataon na ngumungiti ako.

Di ko pa rin kasi nararamdamang maging masaya ulit.

"Kung hindi lang kita bestfriend Blue.. hay naku talaga." sabi niya pa at humalukipkip pa sa harapan ko.

"Tama na yan Alesandra."sabat ni Xander na kararating lang.

Magkasama kaming nagho-homeschool dito sa bahay minsan sa bahay din nila. Sa mahigit 3 taon ko dito sa korea ay napalapit na din sila sa akin.

Noong una ay di ko sila gaanong pinapansin pero dahil na din sa pangungulit ni lola na magkaroon ako ng mga kaibigan ay pinagbigyan ko na siya.

"Alam mo namang ayaw mamasyal ni Savie sa mall niyaya mo pa siya."sabi ni Xander sa kapatid.

"Para naman kasi makapamasyal siya kuya hindi iyong nandito lang siya nagmumukmok sa bahay. Mabuburo ang ganda niya."pilit pa rin ni Ales.

"Aish. Ikaw na lang ang mamasyal huwag mo ng idamay si Savie."sabi ulit ni Xander.

"Maglaro na lang tayo ng bilyar Sav." yaya ni Xander sa akin, nakangiti pa siya dahil naasar na naman niya kasi ang kapatid niya.

Alam niya kasi mahilig ako sa sports. Maliban sa pagbibilyar napag-aralan ko na din maglaro ng baseball. Minsan na akong sinama ni Xander sa laro niya kaya sinubukan ko din.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now