Part 54- Court

383 21 1
                                    



Alas 9 na ng magdesisyon na kaming umuwi.

Nagpaalam na ako kay Dione dahil si Mikael na raw ang maghahatid sa akin pauwi.

Nalaman kong balak pala nilang surpresahin si Dione pero parang ako naman ang nasurpresa.

"Did you enjoy?" tanong ni Mikael sa akin habang nakasakay na kami sa sasakyan niya.

"Hmm.." Tipid kong sagot habang nakatingin ako sa harap.

Napabaling nalang ako sa kanya ng hawakan niya ang kamay ko.

"I love you." sambit niya bago halikan ang mga ito.

"Baby I love you." ulit pa niya.

Napalunok na lang ako. Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko. Pasimple ko ding kinakagat ang labi ko dahil gustong kumawala ng mga ngiti ko. Takte! Kinikilig ako.

"Baby- -

"M-mahal din kita Mikael." nauutal kong sambit na nagpagulat sa kanya kaya bigla niyang naapakan ang preno.

"Mikael!" gulat kong tawag sa kanya.

"Damn it! What did you say babe?" gulat pa rin niyang sambit habang nakahawak na sa pisnge ko.

Gusto kong yumuko. Bigla na naman akong nahiya. Iniiwas ko ang mga mata ko sa kanya pero pilit niya pa rin itong hinuhuli.

"Say it again baby, please." malambing niyang pakiusap.

Madiin ko pang nakagat na naman ang labi ko bago nagsalitang muli.

"I l-love you." sambit ko na ikinakagat niya ng labi. Pansin ko ang pagpipigil niya ng ngiti. Napapatingala pa siya habang animo'y pinapakalma ang sarili.

Mahina na lang akong napatawa sa hitsura niya na ikinanguso naman niya.

Ang cute niyang kiligin. Haha.

Bahagya akong dumukwang upang magaan siyang halikan na dahilan upang lalo siyang magpigil ng ngiti.

"You're blushing babe." tudyo ko sa kanya. Malalim pa siyang napahugot ng hininga pero di na niya din napigilan ang ngiti niya.

Mahigpit niya akong niyakap habang binabaon ang mukha niya sa leeg ko.

Naririnig ko pa siyang mahinang bumubulong ng I love you babe bago na naman niya ibabaon ang mukha niya.

Tsk. Ang cute niya talagang kiligin.

Bumitaw siya ng yakap maya-maya at may inaabot sa likurang upuan.

Napaawang na lang ang labi ko ng nakangiti niyang inabot sa akin ang isang bouquet ng asul na rosas.

"I will court you everyday Lorraine.. Gusto kong maparamdam sayo araw-araw kung gaano kita kagusto at kung gaano ka kamahal nito." turo niya sa puso niya. "I love you babe., I really really do. Lagi kitang namimiss kahit sandali lang tayong nagkakahiwalay. I'm easily annoyed when other's got your attention. Gustong-gusto kitang ipagdamot sa iba pero alam kong hindi mo magugustuhan 'yun. I'm sorry if I easily get jealous because I really want to make you mine only." madamdamin niyang salaysay habang nakahawak pa sa pisngi ko.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now